Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Truck driver may instant P20k matapos aksidenteng matawagan ni Kuya Wil


 Masuwerteng nabiyayaan ang isang truck driver sa Marinduque City ng Php 20,000 matapos magkamali sa natawagang numero ang tv host na si Willie Revillame sa kaniyang programang Wowowin: Tutok To Win.


Isang babae na may pangalang Ronila Silvano sana ang dapat na tatawagan ni Kuya Wil ngunit dahil mali ang kaniyang napindot na mga numero, isang Juanito Panti, Jr. ang kaniyang nakausap.


Naantig naman si Kuya Wil sa katapatan ni Juanito nang agad niyang sinabi na hindi siya ang taong hinahanap ng tv host.


“Hindi po ako ‘yan. Baka wrong number po yung natawagan niyo po,” sabi ni Juanito.


"Naku! Nagkamali ako ng pindot. Ha-hahaha! Nagkamali ako ng isang numero, sorry. Pasensya ka na. Aksidente lang," sagot naman ni Kuya Wil nang kumpirmahin ang natawagang numero.


Kahit pa aksidente lamang ang pagkakatawag ni Kuya Wil kay Juanito ay binigyan pa rin niya ito ng P20,000 at tablet para sa pag-aaral ng mga anak ito.

Share:

4 comments:

  1. Sana po matolongan u ako sa kailagayaan ko ngaun ako po ay isang Ina 4 na anak sa ngaun nakasiminto paa ko dahil disgasya kmi Ng motor namin sa live in partner ko dalawang buwan na po ako walang pagkitaan my hinatas po ako my binabayaran pa buwan buwan nagulongan na po ako panu gagawin lalo na sa paa ko kailangan palitan Ng siminto sana po matolongan u ako sa prblma ko ngaun po kahit para Lang sa family ko sa mga anak ko salamat Po sir Kung marining mo mo finiin ko po

    ReplyDelete
  2. Good evening po kuya will....Sana po isa ako sa inyong mapili.single mom...apat ang mga anak...

    ReplyDelete
  3. Yan ang tinatawag na blessing.akalain mo Wala kang sinalihan na games kaw pa Manalo..
    God bless! Thanks Kuya Will for inspiring everybody!

    ReplyDelete
  4. Sana PO kuya will matulungan nyu din PO ako.para makapag pa check up Napo ako sa matris ko PO.

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog archive