Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

2-anyos na bata, sugatan matapos martilyuhin ng 17-anyos na ina


Umiiyak at dumudugo ang bibig ng bata sa ganito kalagayan nasagip pa ang 2 taong gulang na bata sa Davao City.


Ayon sa mga kapit bahay minartilyo raw ito ng kanyang 17-anyos na ina ng sarili niyang anak dahil sa sobrang ingay daw ng bata kaya niya ito nagawa.


"Alam ko naman na bata yan at kahapon ko lang nagawa yon isang beses lang magulo ang isip ko sana mapatawag niyo ako kase may isa pa akong baby" Sinabi ng Ina sa isang interview.


Nasa Kustudia ng Women's and Children Protection Desk ang ina ng bata nakatakda siyang i-turnover sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Nasa pangangalaga naman ng City Social Welfare Development Office ang dalawang anak nito.


"Posibleng dumadaan ang nanay sa depresyon kasi bagong panganak lang din siya", saad ni Atty. Marlisa Gallo, Head ng CSWDO-XI.


Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive