Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

2 taong gulang na bata, nakuryente matapos isuksok sa extension ang metal na kutsara

2 taong gulang na bata mula sa Lungsod ng Quezon ay namatay dahil sa electrocution o nakuryente matapos na ipasok ang isang kutsara sa isang outlet ng kuryente.


Ang ina ni Jake Angara na si Eloisa ay nagkwento na naghanda siya ng gatas para sa kanyang anak.  Iniwan niya ang kutsara na ginamit sa pagsangkap ng gatas sa isang lugar na hindi maabot ng bata.


"Noong bubuksan ko na ang pintuan may pumutok. Kinabahan ako, pero akala ko may nalaglag lang or what," ayon kay Eloisa.


"Napasigaw ang asawa ko, ang sabi niya lang, si Jake na-ground," dagdag niya.


Isinugod niya sa ospital si Jake kung saan sinubukan pang irevive ang bata, ngunit huli na ang lahat.


Nagrerequest naman ng financial help ang Angara family para sa bata.

 

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive