Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

73-anyos na Lola, hinalay sa kabila ng paralisadong katawan


Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 73-anyos na matanda matapos itong pagsamantalahan sa kanilang mismong tahanan kung saan siya nakaratay.


Ayon sa kaniyang anak, si Lola Alfonsa ay paralisado na at hindi na makakilos bunsod ng karamdaman at katandaan.


Isang araw ay naisipan ng kaniyang 14-anyos na apo, na itinago sa pangalan "Brenda," na silipin siya sa kaniyang tahanan.


Nang makarating si Brenda sa bahay ng kaniyang lola, nakita ng kaniyang dalawang mata ang isang lalaki  na nakapatong at gumagawa ng kalapastanganan sa matanda.


"[Sabi ng anak ko] 'Papa, si Mama Alping inano...' Sabi ko, 'Anong inano?' Sabi niya 'Inano!' Siyempre medyo nabasa ko 'yung nasa isip ng bata, kaya 'yun nga po tumakbo na po ako," lahad ng ama ni Brenda na anak naman ni Lola Alfonsa.


Hindi pa tiyak sa ulat kung nahuli ba ang salarin sa  panghahalay  sa matanda ngunit ayon sa pamilya nang dahil sa nangyari ay agad na binawian ng buhay si Lola Alfonsa.

Share:

1 comment:

Popular Posts

Blog archive