Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Bata iginapos ng amain bilang katuwaan; tiyahin nagsumbong sa pulis


Kalunos-lunos ang sinapit ng isang bata sa Buluan, Maguindanao matapos umano siyang itali sa kamay at paa ng kaniyang amain o stepfather bilang katuwaan.


Ayon sa tiyahin ng biktima na si Bhai Rama Apbet, halos sumabog siya sa galit nang makita niya ang kaniyang pamangkin na nakagapos habang ito ay nakadapa.


Depensa ng amain, biro lang umano ang ginawa niyang pagtali sa kamay at paa ng bata. Gayunpaman, naging desidido si Apbet na bawiin ang kaniyang pamangkin sa poder nito.


Sa ibinahaging screenshot messages ni Apbet, makikita pang nagmamakaawa ang amain na huwag siyang isuplong sa mga pulis ngunit nanindigan si Apbet na kailangan niyang pagbayaran ang nagawa nito sa pamangkin.


Sa huli, dinampot ng lokal na pamahalaan ng Buluan ang amain sa pangunguna ni Babydats D. Mangandadatu, Chief Buluan MPS MCAD PLT Cemafranco Cemacio at Sangguniang bayan member.


Samantala, nakauwi na sa bahay ng kaniyang tiyahin ang bata na halos butot-balat na lamang.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive