Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Isang kasamabahay ang nakapagtapos bilang isang Cum Laude


Marami ang namangha sa social media matapos makita na ang isang kasambahay ay nakapagtapos ng pag aaral at naging isang Cum Laude pa ito dahil sakanyang pagsisikap.


Isang kasambahay ang ipinamalas ang kanyang lakas na loob para makapagtapos ng pag aaral kahit na sa sobrang hirap ng kanyang buhay.


Hindi nawalan ng kumpiyansa sakanyang sarili at siya ang nag pursiging makatapos ng kanyang pag aaral at sa awa ng diyos siya ay naging isang Cum Laude.


Kinilala ang kasambahay na si Grace Labradoe Bacus siya ay nagmula sa simpleng pamilya at dahil sa madami siyang kapatid hindi kaya ng kanyang pamilya na pagaralin lahat dahil saktong naitatawid lang nila ang araw-araw na pamumuhay.


Si Grace ay pangatlo sa mga magkakapatid at noong matapos siya sa high school ay naisipan nitong magtrabaho bilang isang kasambahay upang makaipon ng pera para sa kanyang pagkolehiyo at makatulong na rin sa kanyang mga nakababatang kapatid.


Ang ipinamalas na kabutihang loob at pagpupursigi ni Grace ay talaga naman nakakabilib na sana ay maging inspirasyon siya ng mga taong nais makapagtapos ng pagaaral ngunit kapos sa pera.


Dahil dito ay inulan naman ng mga positibong komento si Grace mula sa mga netizen na naka-basa sa kanyang kwento.


"Ganyan dapat ang mindset ng mga tao, na kahit kapos sa pera ay gumagawa pa rin ng paraan upang makapag-aral ay abutin ang mga pangarap sa buhay. Saludo ako sa mga taong tulad mo Grace, isa kang tunay na inspirasyon sa lahat."

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive