Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Mala-prenup shoot ng senior couple pinupusuan sa social media


 Viral ngayon ang isang senior couple mula sa Upi, Maguindanao dahil sa kanilang mala-prenut shoot na isinagawa bilang pagdiriwang sa kanilang ika-50 wedding anniversary noon lamang Pebrero 2.


Kwento ng mag-asawang Renato Moncera, 81, at Virginia, 71, wala silang kaalam-alam na may magaganap palang photoshoot noong nakaraang linggo.


Pakana raw pala ito ng kanilang anak na kumontyaba sa isang make-up artist at photographer.


"Suprise kasi talaga. Nalaman na lang namin nung nandon na kami sa hotel. 'Yung kasama na namin... Dun ko naintindihan na pakana lahat ng anak namin," kwento ni Virginia.




Pagbabalik tanaw ng mag-asawa, wala man lang ligawan na nangyari sa kanilang relasyon. Anim na buwan matapos nilang magkakilala ay nagpakasal na sila hanggang sa mabiyayaan sila ng 12 anak.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive