Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Usap-usapan palang isasapelikula ang kuwento ng buhay ni Christine Dacera

Marami ang mga naintriga na taga-showbiz sa ipinost sa facebook ng line producer na si Dennis Evangelista kasama ang ina ng namatay na flight attendant na si Christine Dacera.


May pag-uusap palang isasapelikula ang kuwento ng buhay ni Christine Dacera ngunit wala pa raw itong na-finalize at unang pag-uusap pa lamang daw iyon.


Merong isang independent producer na gustong gawin ito pero sa aking pagtatanong plano raw intindihin ang kuwento ni Christine dahil hindi gaanong maintindihan ang nangyari bago siya pumanaw.


 Ito ay nasailalim pa ng imbestigasyon at magulo pa ang lahat, kaya mahirap na kung dito magpu-focus ang kuwento.


Pero wala pa naman daw na-finalize, hindi pa rin nabubuo ang kuwento at wala pa nga raw silang napili kung sino ang magdidirek.


Ang napapansin lang daw nila sa Mommy ni Christine ay parang mas kabisado nito ang mga stars ng GMA 7. Nagustuhan daw niya si Bianca Umali, dahil nagandahan siya rito.


May nag-suggest ding parang mas kamukha si Gabbi Garcia, pero naalala ko ngang close friend at make-up artist pa ni Gabbi ang isa sa involved sa kaso.



Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive