Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Kuya Wil, nakasama na ang apo mula kay Meryll Soriano


Sa wakas ay naipakilala na ng aktres na si Meryll Soriano, 38, ang kaniyang bagong sila na sanggol sa amang si Willie Revillame.


Noong Enero 2,  ay nag-post si Meryll sa kaniyang Instagram account ng isang larawan na kung saan kasama niya ang ama habang hawak ang kaniyang bagong apo.


"With Lolo," ang sabi pa ng aktres sa kaniyang post.


Ang anak ni Merryl ay bunga ng pagmamahalan niya at ng kaniyang nobyo na si Joem Basco, 34, isa ring aktor.


Dati ng nagkahiwalay ang dalawa ngunit noon lamang bagong taon ay ibinahagi ni Merryl na muli na silang nagsasama nito.

Share:

1 comment:

Popular Posts

Blog archive