Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Lalaki, arestado matapos mahuli na tila kinukulam si Russian President Vladimir Putin

Mitsunobu Hino, 72 taong gulang ay inaresto dahil sa hinalang pinsala sa ari-arian at pagpasok sa lugar ng Matsudo's Mikazuki Shrine bandang alas-2 ng hapon ayon sa pulisya sa Matsudo, Chiba Prefecture sa bansang Japan.

Nakunan ng mga security camera ang isang lalaki, na pinaniniwalaang si Hino, na naglagay ng parang straw doll sa kanyang bag at umakyat sa hagdan sa shrine.

Dalawang butas umano ang ginawa ni Hino na may sukat na 1.6 pulgada ang lalim sa sagradong puno ng castanopsis, na kilala bilang shinboku, sa pamamagitan ng pagpapako ng straw doll dito. 



Ang manika ay may kasama ring tala na may nakasulat na "Vladimir Putin, born 7 October 1952. Pray for his extermination."

Ang mga straw doll, na tinatawag na "wara ningyo" sa Japan, ay ginamit sa kasaysayan upang itakwil ang kasamaan.

Japanese Prime Minister na si Fumio Kishida ay dati nang kinondena ang pagsalakay ng Russia sa Ukraine.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive