Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Kinuwestyon ang 10 anak sa 4 na babae ni dating DSWD Sec Tulfo

 


Kinalkal ng Commission on Appointments ang pagkakaroon ng sampung anak sa apat na babae ni Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo sa naging pagdinig sa kanyang ad interim confirmation.


 Hinungkat ni Surigao Del Norte 2nd district representative Johnny Pimentel ang pagiging lover boy ng dating media man at tinanong kung may maganda relasyon ba ito sa apat na Ina ng kaniyang sampung anak.


Hindi naman itinanggi ito ng kalihim at sinabing in good terms siya sa ina ng mga anak kahit hiwalay na sila ng tanungin ang kalihim kung hindi ba ito nagiging sagabal sa kaniyang tungkulin bilang kalihim ng DSWD dahil tiyak na marami ulit siyang makikilalang babae. 


Tiniyak ni Tulfo na bata siya ng maganap ito at ngayong nag ka edad na siya ay nag bago na ang kanyang pananaw.


Matapos marinig ang sagot sa kanyang .ga tanong nagpahayag ng buong suporta si Congressman Pimentel sa kompirmasyon ni Tulfo at iginiit pa nito na asset ang kalihim ng kasalukuyang gobyerno ngunit bandang huli ay deepen muna ang kompirmasyon sa add interim of appointment ni Tulfo dahil nga sa issue tungkol sa kaniyang US Citizenship at conviction sa kaniyang libel case.


Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive