Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Vice Ganda, regalong food packs sa 850 pamilya ang treat sa kanyang 44th birthday


Bilang pahabol sa kanyang  kaarawan noong March 31, namahagi si Vice Ganda ng food packs sa 850 pamilya sa Barangay South Triangle at Paligsahan sa Quezon City.


Tulong daw ito para sa mga kapwa Pilipinong lubos na naapektuhan ng COVID-19.

“Sabi ko talaga ‘Lord, kahit bawiin mo na po talaga lahat ng hair ko, kahit wala pong matira okay lang, basta matapos na po itong krisis na ito sa buong mundo. Siguro naman hindi lang ako ang may ganitong wish. Nagshi-share tayong lahat ng iisang wish ngayon -- matapos itong krisis ng COVID-19 sa buong mundo,” saad ni Vice sa “It’s Showtime” nitong Martes.

Sa kanyang instagram post noong March 20, makikitang una ng nagpa-abot si Vice ng medical supplies gaya ng N95 masks, safety goggles,  medical disposable gloves, alcohol at disinfectant spray sa ilang mga hospital ng bansa.

Masaya ring ibinalita ni Vice  na mamimigay ang Vice Cosmetics, ang kanyang cosmetic brand, ng financial assistance sa mahigit 400 nitong empleyado at advisers.
Share:

3 comments:

  1. Sana nman po ako matulungan mam vice..wla ako trabaho dalawa anak nag gagatas..dhl wla lng tulong n dumarating dto s amin..eto po number ko 09469042203..kht pambili lng gatas diaper ng mga anak ko

    ReplyDelete
  2. hi ate vice sana mabigyan m po ako 3 po anak lo maliit pa po housewife lng po ako malań∑i tulong npo yan sa amin ng pamilya ko para po makakain nman po mga anak ko at gatas 09974482214 from bulacan del monte minuyan proper

    ReplyDelete
  3. Sana makaabot din po sa akin ang yong tulong vice ganda may 3po kase akung anak at nangangailangan po kami ng 3laptop din para sa pag aaral nila dalawang grade 10 po at isang grade 12 ang anak ko wala pa po silang gamit nag aalala po ako matatalino po silang lahat

    ReplyDelete

Popular Posts

Labels

Blog Archive