Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Asymptomatic virus carrier galing Metro Manila, nakahawa ng lampas 20 katao sa Pampanga


21 bagong case ang naitala sa isang barangay sa Pampanga. Nagsimula ito sa isang asymptomatic virus carrier na isang manggagawa mula sa Metro Manila at umuwi sa kanila sa Apalit, Pampanga.


Umuwi ang asymptomatic patient mula Metro Manila sa kanilang tahanan sa Barangay Capalangan sa Apalit at unang nahawaan at nakaramdam ng simtomas ay ang ina nito.

Nahawaan din ang lima sa anim na kasama nila sa bahay na halos ang kamag anak. Sa contact tracing ng mga opisyal ng baranggay, karagdagang 15 out of 40 pa ang nagpositibo sa COVID-19.

Kasalukuyan pa ang contact tracing at on going testing pa ng 56 personnels na nakasama ng mga nagpositibong mga pasyente.

Umiiral ngayon ang hard lockdown sa baranggay kung saan mahigpit ang checkpoint na pinagutos ng mayor ng Apalit. Isang mobile talipapa ang iikot sa lugar para makabili ng basic necessities.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive