Travel. News. Migrants. Economy. Health

Binata, handang ibenta ang sarili kapalit ng tulong para sa kaniyang ina na may cancer


Dahil sa malaki ang gagastusin para sa magiging gamutan ng kaniyang ina na may Stage IV rectal cancer, handang ibenta ni Klarence Laroya ang kaniyang sarili dahil wala naman daw siyang ari-arian na maipampapalit sa pera.


Gamit ang kaniyang account sa facebook, ay ibinahagi ni Klarence na handa siyang magpa-alipin habang buhay sa sinomang makatutulong sa kaniyang ina na kasalukuyang nagdudusa sa kaniyang sakit. 

"For sale! For sale! Sarili ko po...Opo, handa po ako maging alipin sa taong makakatulong sa mama ko,  sino man po may nais handa ako maglingkod ng habang buhay," sabi ni Klarence.

Kwento niya, ang sabi raw ng doktor, umabot na ang bukol sa baga at atay ng kaniyang ina at kahit na ma-operahan ito, wala ng pag-asa na madugtungan pa ang kaniyang buhay. Subalit, nagbabakasakali pa rin si Klarence na may paraan para mailigtas ang kaniyang ina kung madadala niya lamang ito sa isang magaling na doktor at hospital.

Ayon sa binata na mula pa sa Bagac, Bataan, siya ay fresh graduate ng Bachelor of Science in Criminology at handa siyang maging bodyguard, taga-luto,  taga-linis, driver, at taga-gawa ng kahit na anong bagay na iuutos sa kaniya basta ito ay hindi masama at labag sa batas.
Share:

No comments:

Post a comment

Search This Blog

Popular Posts

Labels

Blog Archive