Home »
NEWS
» DSWD nagbibigay assistive gadgets at devices para sa mga persons with disability o PWD
DSWD nagbibigay assistive gadgets at devices para sa mga persons with disability o PWD
Nananatiling tapat ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagbibigay ng mga programa at serbisyo sa mga mahihirap na sektor ng lipunan. Naglaan ang DSWD ng P100,000 sa bawat field office para magkaloob ng assistive gadgets para sa mga persons with disability o PWD.
Ang PWD sector ay isa sa mga pinakaapektadong sektor dahil sa declaration ng community quarantine dulot ng COVID-19. Upang makatulong, Field Offices ng DSWD ay magbibigay ng assistive devices augmentation support para sa mga sumusunod:
1. blind o low vision
2. deaf / hearing impaired
3. orthopedically challenged individuals
4. physically challenged individuals
Kabilang sa mga binibigay na devices ay talking laptops and tablets, talking canes/smart canes at Braille system para sa mga blind and visually impaired.
Hearing aids na may kasamang beamforming technology, customized headphones at Cochlear implant para sa mga deaf and hearing impaired.
Talking laptops and tablets, motorized wheelchair, customized wheelchair, tri-wheelchair bike, talking watch, customized artificial eyes, and neuro-prosthesis para sa
mga orthopedically at physically challenged.
Ang mga PWD na nagnanais na makakuha ng assistive devices ay kailangan magpakita ng documents tulad ng medical certificate na kung saan nakalagay ang disability at date issued ng certificate, nakalagay din dapat ang full name at pirma ng physician, Barangay Indigency Certificate at PWD ID.
Maaaring magpunta kasama ng representative sa DSWD Field Offices para sa karagdagang impormasyon.
Sana po maging registered PWD din po sana ako. May karamdaman po ako sa paa tuhod hindi n po ako mka lakad ng matagal at mka tayo ng matagal dala po ng laging pag ayake ng gout ko noong nagttrabaho ako sa taiwan. May osteo arthritis na po ako. Dna po ako nkkpag trabaho. Online selling nlng po ngagawa ko. Pero hirap pa din po ako matustusan ang apat ko pong anak. Hiwalay nrin po ako sa asawa, sa kadahilanang wala n daw po akong pakinabang. May anak po akong kambal na lalake grade 10 na po masipag po sila sa pag aaral lagi po sila nsa top 2 or 3. Pahingi po ako ng suporta po masuportahan po need ng kambal ko po na laptop. Ako po c JOJO DELA PENA, BRGY. RIZAL, ALICIA ISABELA. humihingi po ako ng tulong po DWSD. Kung pwede po ninyo po ako i relay sa LGU nmin o dswd. nkikitira lng po ako sa magulang. Gawin nyo po kming member po ng 4p's po
ReplyDeletesana po maging registered Pwd din po ang anak ko na c Prince joseph P. De lara sana po 1 po cya sa ma swerte na mapili na mabigyan ng gadget para po mka tulong po sa pag aaral nya meron po cya sakit sa puso 10 years.old na po cya at pasyente po cya sa heart center grade 5 na po cya ngayon pasukan nag me maintenanance po cya ng 3 klase ng gamot sana po ay matulungan nyo po kmi na mabigyan kmi ng gadget na maga gamit nya sa pag aaral nya ngaon sa online class maraming salamat po! Godbless
ReplyDeleteRegistered Pwd na po ako Sana mabigyan nyo po ako nang kahit anong gadgets po para lamang Sa tatlo Kung anak Kasi August Napo klase nila tapos silang tatlo ay online class Sana po mabigyan nyo po ako....
ReplyDeleteSana po maging register ako sa Pwd...at sana po mabigyan niyo po ako ng libreng laptop kailangan ko po kase lalo na sa sitwasyon ngayon di kase kami mahabili ng laptop..mahirap lang po kase ang pamilya ko salamat po🙂
ReplyDeleteSana po isa p.o. ako mapili nyo isa po ako pwd at may dalawa anak hndi po ako nakatanggap ng sap ni isa naway Mapansin nyo po to
ReplyDeleteSana po Isa ako sa mapiliniyo may anak akong grade6 at tatlong coming pa sa school ngayon taon
ReplyDeleteSana po mapansin nyo po iyo comment ko..mabigyan po sana ang ina q pwd po siya dinanakakita may i.d nrin po siya at certificate n galing s doctor
ReplyDelete