Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

'Elemento' na nangunguha ng magaganda at gwapo sa Minalungao river, nahagip ng camera


Sa likod ng nakabibighaning ganda ng Minalungao river sa Nueva Ecija, ay ang kwento ng kababalaghan tungkol sa elementong naninirahan dito na kamakailan lang ay nahagip umano sa larawan ng isang lalaking naliligo sa ilog.


Ang elementong ito ang hinihinalang sanhi ng pagkalunod ng mga lumalangoy sa ilog. Ayon pa sa kuwento-kuwento, magaganda at pogi lang daw ang kinukuha nito.

Sa larawan ng turistang si Noel, makikita na para bang  may kamay na nakahawak sa kaniyang paa. Biro naman niya, buti nalang hindi siya gwapo kung kaya hindi siya tuluyang nakuha ng elemento.

Kwento pa ng turista, tila ba sinundan pa sila ng elemento dahil isang bata raw ang nagpakita sa kanilang litrato habang bumabyahe gayung wala naman daw ito ng kunan nila ang larawan.

Sa husga ng mga eksperto, wala raw katotohanan ang elementong nahagip sa camera. Paniniwala nila, edited lamang ang larawan na kung saan makikita ang kamay ng sinasabing elemento.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive