Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Heart Evangelista binigyan ng wheelchair ang isang matandang na-stroke


Sa kaniyang pagbisita sa Sorsogon, personal na binigyan ng aktres na si Heart Evangelista ng wheelchair ang isang matandang babae na hindi na makalakad matapos ma-stroke.


Bukod dito, ipinasyal din ni Heart ang lola gamit ang bago nitong wheelchair na hiniling mismo ng apo ng matanda sa kaniya bilang regalo.

Sa kaniyang vlog ay ipinakita rin ni Heart ang pagbibigay nito ng vitamins sa mga residente ng probinsiya. Dagdag niya, plano niya pang mamigay ng wheelchair sa iba pang mga nangangailangan bilang tulong.

Kamakailan, ay namahagi rin ng libreng tablet si Heart sa mga estudyanteng nangangailangan para sa kanilang online class na magsisimula sa Agosto 24.
Share:

1 comment:

  1. Good eve po Sir Raffy Tulfo manghihingi po sana kami ng kunting tulong po pang puhunan sa munting tindahan po at pang gatas diaper ng baby ko po 4th month old po..
    ELLA ABACHE
    #4 SITIO SIKARA BAGONG NAYON 1 COGEO ANTIPOLO CITY RIZAL

    ReplyDelete

Popular Posts

Labels

Blog archive