Travel. News. Migrants. Economy. Health

Pilipinas nangunguna na sa may pinakamaraming COVID-19 cases sa Southeast Asia


Nalampasan ng Pilipinas ang Indonesia sa may pinakamaraming kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Southeast Asia, Huwebes (Agosto 6), matapos  ianunsyo ng Department of Health (DOH) ang 3,561 new cases na nagresulta sa 119,460 total infection sa bansa.


Ang Indonesia ay mayroong 116,871 na kaso ng COVID-19 noong Miyerkules at may average new cases na 1,850  araw-araw sa nakaraang isang linggo.

Para naman sa Pilipinas, ang naitalang bilang ng mga bagong kaso ngayong Huwebes, ay ang ika-walong araw na na kung saan higit sa 3,000 ang  naiulat na nahawa ng sakit sa bansa.

Ang limang lalawigan na may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ay ang Metro Manila na may 2,041, Laguna na may 222, Cebu na may 221, Cavite na may 100, at  Rizal na may 81.

Base sa datos, 50,473 lamang ang  mga aktibong kaso na sumasailalim sa gamutan o quarantine ngunit Pilipinas pa rin ang siyang may pinakamataas na bilang sa buong Southeast Asia. 

Sa 119,460 cases sa bansa,  90.9 percent ang mild, 7.8 percent ang asymptomatic, 0.8 percent ang severe habang 0.5 percent naman ang nasa kritikal na kondisyon
Share:

Direct Hiring: Panther Technology now hiring machine operators in Hukou


Panther Technology in Hukou now directly hires filipino migrant workers, the company is looking for machine operators with expiring contracts with other companies.


Qualified applicants are those who have expiring contracts on or before November 30, 2020 or those who have been laid off.

Applicants may apply every Thursday and be listed for interview from 09:30am to 10:00am only, late comers may come another day. Bring ARC, passport, blue pen, page 1 of MECO labor contract and transfer letter (if you have).

Interested applicants may apply directly at Champion Manpower Services located at 7F-2 No295, Guanfu Road, Sec 2, Hsinchu City in Taiwan.

About Panther Technology:
Panther Technology Co., Ltd. was founded in 1997. The Company's line of business includes the manufacturing of semiconductors and related solid-state devices.

*This site not a agency nor agent, please refer on above recruitment agency

Share:

Grupo ng mga guro, nananawagan na iurong ang pagbubukas ng klase sa Aug.24


Mainam na iurong na lamang ang pagbubukas ng klase ngayong taon dahil hindi pa handa ang mismong Department of Education (DepEd) para sa mga kakailanganin ng mga estudyante at guro, ayon sa  grupong Alliance of Concerned Teachers (ACT) Miyerkules (Agosto 5).


Sabi ng grupo, sa Agosto 24 na ang nakatakdang petsa sa pagsisimula ng klase ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin umanong modules na gagamitin ang mga mag-aaral. Hindi rin daw sapat ang health protocol, technical assistance, at pagsasanay ng mga guro.

Sabi ni Kris Navales, pangulo ng Quezon City Public School Teachers Association, nangako ang DepEd na handa na ang mga modules na gagamitin ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin silang natatanggap.

"Sa mga probinsya, nakikita natin ang mga guro na sa kanilang sariling bulsa nagmumula ang pag-print ng module," sabi ni Navales.

Kamakailan ay ipinahayag ng DepEd na gumagawa na ito ng paraan upang makakuha ng mga gadget at iba pang kagamitan para sa online learning, na sasapat sa bilang ng public school teachers sa bansa.
Share:

Mass testing for COVID-19 may not be particularly "beneficial" - Taiwan CDC


Asked whether the Central Epidemic Command Center (CECC) would consider requiring all visitors to Taiwan, or alternatively visitors from areas with higher infection rates, to be tested for COVID-19 after series of imported cases reported in Taiwan.


As some public figures have suggested the mass testing, CDC Deputy Director-General Chuang Jen-hsiang said that mass testing might not be particularly beneficial.

An example, those 183 who came from Philippines, 20 had symptoms and seven tested positive, while one — case No. 471 — tested negative at the airport, but later reported symptoms and tested positive in the second test at a hospital, Chuang said.

This shows that mass testing can still miss cases, he said.

Although 163 of the 183 people had no symptoms, two of them tested positive, including one (case No. 466) who is the spouse of another confirmed case with symptoms (case No. 467), he said.

These cases would have been detected through contact tracing and within a 14-day quarantine and additional seven-day self-health management period.
Share:

Wedding photoshoot sa Beirut, Lebanon naging bangungot matapos ang pagsabog


Naantala ang wedding photoshoot sa Beirut, Lebanon matapos maganap ang malakas na pagsabog sa siyudad, Martes.


Sa video ni Mahmoud Nakib, makikitang nakangiti ang bride habang nagpo-pose sa harap ng camera ng bigla itong gulatin ng isang nakabibinging pagsabog.

Sa tindi ng trahedya, nawasiwas ang  bulaklak, belo, at maging ang suot na damit ng bride. Maririnig din sa video, ang mga nagbabasagang salamin dulot ng pagsabog.

Base sa tala, aabot sa 100 katao ang namatay at 4,000 namataan pagkatapos ng insidente.

Ayon kay Lebanon Prime Minister Minister Hasan Diab, sisiguraduhin niyang magbabayad ang mga dapat na managot sa likod ng mapaminsalang pagsabog.
Share:

Filipina caregiver sa Taiwan, kulong matapos lokohin ang mga kapwa Pinoy sa investment scam


Binigyan ng court order mula sa mga prosecutors ng Taiwan ang isang Filipina caregiver na sangkot sa isang investment scam kung saan tinatarget ang mga kapwa Pilipino dito.


Ang 32-year old Cargiver na naidentify bilang si Nelsa ay nagset up diumano ng isang fraud ring noong February 2019 at hinihikayat nito ang mga kapwa Pilipino na magdeposit ng pera sa isang account sa Taiwan.

Kapalit daw nito ang mas mataas na palitan sa Philippine peso ayon sa Taichung District Prosecutors' Office.

Ayon sa sa mga prosecutor, may na-scam na ito sa Taipei, Taoyuan, Taichung, Chiayi at iba pang parte ng Taiwan.

Sinasabi ng mga scammers na magkakaroon sila exchange rate P2.5 kada NT$1 na maihulog sa investment na ito pagkatapos ng isang buwan at tataas pa daw kung tatagal.

Philippine envoys mula sa Taipei ang nagreport ng scam na ito. Lampas 200 katao na ang naloko nila at halos NT$80million ang halagang na scam.
Share:

Pres. Duterte tiwala pa rin sa Philhealth sa kabila ng corruption issue


Tiwala pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), sa kabila ng nadidikit na isyu rito patungkol sa kurapsyon ng P15 bilyong pondo nito, ayon sa Malacañang, Miyerkules (Agosto 5).


Sa isang panayam, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ayon kay Senator Bong Go, nagtitiwala pa rin ang Pangulo kay PhilHealth president Ricardo Morales hanggat wala pang ebidensya na nagpapatunay sa naganap na pagnanakaw.

“According to Senator Bong Go, he [President] still does but he wants to see the evidence...If there’s evidence that would affect his trust and confidence, of course it will change. And that’s why I’m hoping that these investigations will document the evidence that the President wants to see,” sabi ni Roque.

Sa kabilang banda, itinanggi naman ni Morales ang ibinibintang sa kaniyang pagbulsa ng pondo mula sa Philhealth sa mga nakalipas na taon sa pamamagitan ng iba't-ibang fraud scheme gaya ng overpriced test kits.

Noong Agosto 4, ay sinimulan na ng senado ang hearing at imbestigasyon patungkol sa kalat na kurapsyon sa ahensya.
Share:

Direct Hiring: NXP Semiconductor now horing male and female factory workers | Apply online


NXP Semiconductors in Nanzhi District in Kaohsiung is now hiring male and female factory workers who accepts transfers and end of contract Filipino workers.


Interested applicants may send updated resume to the following email address:
derrick@geodiin.com
candy@geodiin.com

About NXP:

NXP Semiconductors N.V. enables secure connections for a smarter world, advancing solutions that make lives easier, better, and safer. As the world leader in secure connectivity solutions for embedded applications, NXP is driving innovation in the automotive, industrial & IoT, mobile, and communication infrastructure markets.

*This site not a agency nor agent, please refer on above recruitment agency
Share:

Medical frontliners ipinatitigil na ang paggamit ng COVID-19 rapid test kits


Tutol ang mga health expert sa paggamit ng rapid antibody test kit dahil isa ito sa mga nakikitang nilang sanhi ng mas tumitinding kaso ng COVID-19 sa bansa.


“Dapat ihinto na iyang rapid antibody test na iyan. Sa buong mundo, tayo nalang ata ang gumagamit nyan," sabi ni Dr. Antonio Dans ng Philippine Society of General Internal Medicine sa isang online forum, Martes (Agosto 4).

Ayon kay Dans, hindi naman epektibo ang paggamit ng ganitong uri ng test lalo pa at mga antibody lamang ang nakikita nito at hindi ang mismong virus.

“Sa tingin namin ang paggamit ng rapid test sa workplace, naging problema at nakadagdag sa paglaganap ng COVID-19," saad niya.

Noong Miyerkules (Agosto 5), ay inanunsyo naman ng Department of Health na target nilang ipatigil ang paggamit ng rapid test pagkatapos ng dalawang linggong modified enhanced community quarantine sa Metro Manila at iba pang probinsya.

Ngunit sabi naman ni Presidential spokesperson Harry Roque, maaari pa ring gamitin ang mga ito hanggat hindi pa sumasailalim ang mga indibidwal sa real-time polymerase chain reaction ( RT-PCR) test.
Share:

Taiwan mandates public to wear face mask on the country's main eight public venues


Taiwan announced mask-wearing will be compulsory in the eight oublic venues anywhere in Taiwan as instructed by Health Minister and Central Epidemic Command Center (CECC) head Chen Shih-chung.


The places where mandatory wearing of mask are implemeted:
1. Schools
2. Places of worship
3. Medical and health facilities
4. Public transports
5. Venues of entertainment (KTVs, sports centers, nightclubs, bars, amusement parks)
6. Cinemas and concerts
7. Markets (night markets, shopping malls, farmers markets)
8. Large social events

Chen said the new regulations will take effect immediately. He expressed hope that the public will respect the regulations and continue to maintain social distancing as well as personal hygiene, Liberty Times reported

Meanwhile, Tainan implemented a compulsary wearing of mask to all indoor places as instructed by their Mayor.
Share:

5,096 medical frontliners sa Pilipinas ang infected ng COVID-19: DOH


Sumampa na sa 5,096 noong Agosto 2, ang bilang ng mga health worker sa Pilipinas na tinamaan ng COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).


Base sa tala ng ahensya,  405 medical frontliner ang kasalukuyang nakikipaglaban pa sa sakit, katumbas ito ng eight percent ng kabuuang bilang ng mga nahawa ng virus sa health sector.

Sa kabilang banda, aabot naman sa 4,652 o 91.3 percent ng mga infected health worker ang gumaling na, habang 39 o 0.8 percent ang nasawi.

Kabilang sa mga tinamaan ng COVID-19 ang 1,734 na nurse, 1,100 na doktor, 338  nursing assistant, 210 na medical technologist, 119 na radiologic technologists, 92 midwives, 43 respiratory therapists, at 41 pharmacists.

Dahil dito maraming medical groups ang umaalma na at humihingi ng mas striktong implementasyon ng quarantine measures upang mas makapaghanda ang mga ospital sa mas lumolobong kaso ng sakit sa bansa.
Share:

Criminology student patay matapos bugbugin ng kagawad sa Pangasinan


Patay ang isang criminology student na si Isagani Iligan at sugatan ang kanyang kaibigan dahil umano sa pambubugbog ng isang kagawad sa Manaoag, Pangasinan.


Miyerkules ng umaga na magkaangkas sa motorsiklo ang biktimang si Isagani Ilagan at ang kaniyang kaibigan, nang bumangga ang minamanehong motor sa barrier sa kalsada.

Kwento ng kapatid ni Isagani na si Anna Pauline, nabangga ng kanyang kapatid ang barnadilya, hinarang sila at saka pinaupo, Dun na umano pinagpapalo ng kagawad ang kaniyang kapatid at ang kasama.

Pahayag naman ng ina ng biktima, dapat panagutan ang gianawa ng kagawad sa anak niya, Kailangan daw munang ipa-autopsy ang katawan na kanyang anak. 

Kasalukuyang nagpapagaling pa sa ospital ang kasamang sugatan, itinanggi naman ng kagawad ang krimen at sinabing hindi niya magagawa ang bintang dahil paralisado ang isa sa kanayang mga kamay.
Share:

Pagsuot ng face shield sa mga pampublikong sasakyan sa Pilipinas, mandatory na


Ipinag-uutos na ng Department of Transportation ang pagsusuot ng face shield bukod sa face mask kung sasakay sa mga pampublikong transportasyon mula Agosto 15, bilang dagdag proteksyon sa laganap na virus.


Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 2020-014, ipinag-utos ng DOTr sa iba't-ibang transportation sector na mahigpit na ipatupad ang "No Face Shield, No Ride" policy.

Samantala, walang ibinigay na detalye ang ahensya patungkol sa uri ng face shield na dapat suotin. Wala pa ring anunsyo kung ano ang magiging karampatang parusa para sa mga lalabag sa bagong batas.

Sa kasalukuyan, suspendido ang mga pampublikong transportasyon sa Metro Manila at apat pang probinsya na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine hanngang Agosto 18.

Para naman sa sea travel, ipapatupad na ang batas magsimula Biyernes, (Agosto 8).
Share:

Chinese doctor in Taichung suspended for prescribing drug containing poisonous metals


A doctor at a Taichung-based traditional Chinese medicine (TCM) clinic has been suspended for prescribing drugs containing heavy metals that led to lead poisoning in at least nine patients.


The city's Health Bureau has suspended the Sheng Tang Chinese Medicine Clinic's chief practitioner Lu Shih-ming for 30 days for giving patients medicines with excessive levels of lead, said bureau director Tseng Tzu-chan at a press event.

Lu was also fined NT$100,000 (US$3,000) for not recording the parts of the prescriptions containing heavy metals in the patients' medical records, in violation of the Physicians Act, according to Tseng.

The case has been handed over to the Taichung District Prosecutors Office for further investigation, and Lu could face a maximum NT$500,000 fine for the incomplete patient records.

If the investigation reveals more serious violations of the Act, including confirmation that he harmed his patients and gave them toxic medicines, Lu could have his license revoked and face criminal liability.

The problem drugs involve those paid for by the patients because they were not covered by the National Health Insurance system, making it easier for him to leave them out of patient records.

Tseng said Lu admitted that he included powder of the mineral cinnabar, which contains lead, in the prescriptions given to some of his patients but stressed that it was done by mistake rather than intentionally.

Taiwanese law bans the use of cinnabar powder in TMC and stipulates that the total heavy metal content of TCMs should not exceed 30 ppm, according to the bureau.

The latest test results have shown, however, that the level of lead in some of the problem powders Lu gave to patients reached 15,281 ppm, more than 500 times the maximum allowed level. An ongoing investigation has found that at least nine of Lu's patients took the toxic drugs, according to the bureau.

The bureau is now trying to determine if more of Lu's patients have had symptoms of lead poisoning, which can include abdominal pain, anemia, and nerve and liver damage, and offered to help them sue Lu if they wished to do so. It is also urging patients who have developed related symptoms to see a doctor for further checkups. (By CNA)
Share:

Taiwanese airlines offers half day tour and dining in the 'air' for travel savvy people


Half-day tours in the air being offered by Taiwanese airlines have been quickly sold out as people unable to travel overseas during the COVID-19 pandemic seek other ways to satisfy their wanderlust.


Airlines are capitalizing on that by offering flights out of Taoyuan International Airport that fly over Taiwan or toward neighboring countries before landing back at the same airport, and consumers are snapping up the tickets.

Local startup carrier StarLux Airlines said all 188 slots for a flight piloted by its chairman, Chang Kuo-wei, were sold out within five minutes after going on sale Tuesday. The Aug. 7 flight will head south along Taiwan's east coast and down to near the Philippines before returning on the same route, the carrier said.

EVA Airways (EVA Air) also sold out all 309 seats on a special A330-300 Father's Day flight after they went on sale last week.

The Aug. 8 flight will cross northeastern Taiwan and head close to the Ryukyu Islands in Japan before heading south along Taiwan's east coast. Once it reaches Taiwan's southern tip, it will then turn around and fly back to the Taoyuan airport.

China Airlines (CAL) also sold out tickets on July 30 for special flights on Aug. 8 and Aug. 15 targeting children aged 6-10 and their parents.

Budget airline Tigerair Taiwan, a CAL subsidiary, put up 90 tickets for sale on July 28 for a four-hour flight on Aug. 6, and they were gone in 20 minutes.

According to the airport, it is currently handling about 2,000 passengers a day, compared with an average of about 131,500 a day in 2019. (By CNA)
Share:

Mga Pilipino natagpuang patay at sugatan sa pagsabog sa Beirut, Lebanon


Dalawang Pilipino ang kasama sa 73 taong namatay sa naganap na pagsabog sa Beirut's port sa Lebanon, ayon sa Department of Foreign Affairs.


Base sa tala ng embahada, nasa tahanan ng kanilang mga employer ang dalawang Pilipinong nasawi nang mangyari ang insidente. Bukod dito, walo pang Pilipino ang naiulat na sugatan habang 11 naman ang nawawala.

Nag-ugat ang pagsabog sa 2,750 tons na agricultural fertilizer ammonium nitrate na matagal ng nakaimbak sa portside warehouse, saad ng Prime Minister na si Hassan Diab.

Niyanig ng trahedya ang buong Beirut at maging ang mga karatig bansa  gaya ng Nicosia sa  eastern Mediterranean island ng Cyprus, na 240 kilometro ang layo, ay narinig ang malakas na pagsabog.

Paninigurado ni Diab, mananagot ang sinumang nasa likod ng mapaminsalang insidente.

"What happened today will not pass without accountability.Those responsible for this catastrophe will pay the price," sabi niya.
Share:

DSWD nagbabala sa mga scammer na tumatarget sa GCash account ng SAP beneficiaries


Department of Social Welfare and Development (DSWD) nagbabala sa publiko na mag-ingat sa scammers na bumibiktima ng mga benipisyaryo ng social amelioration program (SAP) ngayong may pandemya.


Matapos makatanggap ng mensahe si Hanekah Roble na taga-Marilao, Bulacan na may P6,500 na sa kanyang GCash account. Ito ang ikalawang ayudang natanggap niya mula DSWD.

Nakatanggap naman siya ng isa pang mensahe mula sa isang nagpakilalang taga-DSWD. Kinukuha ang m-pin o mobile personal identification number niya sa GCash.

Ibinigay ni Roble ang mga detalye ng account niya at pinaghintay siya nang 7 araw Pero laking gulat niya nang pagka-check ay nasimot na ang kaniyang pera.

Ayon sa DSWD, nakatanggap na sila ng ganitong reklamo mula sa ilang benipisyaryo.

Ayon sa ahensiya, katuwang nila ang 3 bangko at 3 electronic money issuer sa pamamahagi ng ayuda at isa na rito ang GCash.

Share:

Palasyo: Nasa desisyon ng kongreso kung magkakaroon pa ng ikatlong ayuda sa ilalim ng MECQ areas


Ang pamamahagi ng 3rd tranche ng cash aid sa mga residente ng mga lugar sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ay nasa Kongreso, sinabi ng Malacañang noong Lunes.


Matapos inilagay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal sa ilalim ng Modified Enganced Community Quarantine (MECQ) mula Agosto 4 hanggang 18, 2020, bilang tugon sa panawagan ng "time out" ng mga medical frontliner.

“Sa tingin ko, dahil yung unang ayuda ay nanggaling po sa Kongreso, kinakailangan itong ayuda para sa third tranche dahil ito po’y third time na tayo maglolockdown, 2 weeks na maglolockdown, kinakailangan ay manggaling pa rin sa Kongreso,” sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque 

“Kasi yung unang dalawang ayuda ay galing sa Kongreso at alam naman natin yung nasa Saligang Batas, hindi puwedeng gastusin ang kaban ng bayan na walang batas,” dagdag pa niya.

Sa kanyang regular na online briefing, sinabi ni Roque na ang ikatlong pag-ikot ng cash aid ay maaari ring isama sa "Bayanihan to Recover As One" o Bayanihan 2, na naglalayong unahin ang epekto ng pandemya.

"Buhay po siguro 'yan sa Bayanihan 2 dahil ang unang ayudang pinaminigay po natin ay sang-ayon sa batas," Sabi ni Roque.

Sa ilalim ng Bayanihan to Heal As One Act, ang mga benepisyaryo ay tumanggap ng P5,000 hanggang P8,000 cash upang matulungan silang makayanan ang mga epekto ng pandemya. Patuloy pa rin ang pamamahagi ng pangalawang tranche.
Share:

77% ng 11.5 milyong benepisyaryo ng SAP, nakatanggap na ng ayuda: DSWD


Nasa 8.979 milyong pamilya pa lamang o 77 percent ng 11.5 milyong benepisyaryo ang nakatanggap ng ayuda mula sa second tranche ng Social Amelioration Program (SAP), ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Lunes.


Noong katapusan pa sana ng Mayo ang nakatakdang petsa sa pagtatapos ng distribusyon ng ayuda ngunit dahil sa mga hindi inaasahang problema, nagkaroon ng delay sa pamamahagi ng cash aid.

Bunsod nito ay humingi ng palugit ang DSWD at nangakong tatapusin ang 80 porsyento ng pamamahagi ng financial assistance sa katapusan ng Hulyo.

Samantala, nilinaw naman ni DSWD spokesperson Irene Dumlao na ang aktuwal na layunin ng ahensya ay tapusin ang SAP payout sa ilang lugar sa kalagitnaan ng Agosto.

“As we have earlier communicated, we aim to meet 80% accomplishment by July 31.  But in some areas, our goal is to complete payout by the middle of August,” sabi ni Dumlao.

Ang SAP ay isang programa sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act of 2020 na layong makapagbigay ng tulong pinansiyal sa 18 milyong pamilya na lubos na naapektuhan ng enhanced community quarantine sa bansa dala ng pandemya.
Share:

DSWD personnels na nagbulsa ng ayuda, kinasuhan na ng pulisya


Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang dalawang personnel ng Department of Social Welfare and Development  (DSWD), matapos nilang ibulsa ang mga ayudang ibinalik ng mga unqualified beneficiaries sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) sa Iloilo.


Ayon kay CIDG Chief for Western Visayas Police Lt. Col. Jun Balmaceda, naghain ng graft and corruption charges ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) of the Philippine National Police (PNP) laban kina Svenina Billones at Jande Arroyo na kapwa naka-assign sa DSWD municipal link office sa Dumangas.

Nakumpirma ng CIDG-Iloilo Provincial Field Unit ang pangungurakot ng dalawa matapos makatanggap ng reklamo mula sa limang tao na nagbalik ng P6,000, sabi ni Balmaceda. 

Ayon sa kwento ng mga nag-report, hindi sila nakatanggap ng resibo mula kina Billones at Arroyo, malinaw na paglabag sa guidelines na inilabas ng DSWD.

Naisampa na ang kaso sa Iloilo Provincial Prosecutor’s Office, ngunit isang administrative case pa ang layong ihain sa Office of the Ombudsman laban sa dalawang DSWD personnel.
Share:

Medical frontliners humihiling na isama sila sa dasal ng publiko


Nanawagan ang mga pagod na pagod ng medical frontliners sa publiko na isama sila sa kanilang mga panalangin habang sila ay patuloy na nakikipaglaban sa tumataas na kaso ng COVID-19  sa bansa.


Base sa datos ng Department of Health (DOH), umabot na sa 80% capacity ang  mga hospital sa Metro Manila. Parami na rin ng parami ang bilang ng mga health workers na tinatamaan ng virus.

Sa katunayan, noong Agosto 1, aabot sa 5,008 hospital staffs ang nagpositibo sa COVID-19. Kabilang sa naitalang numero ang 1,734 na mga nurse at 1,100 na mga doktor.

Sa kabila nito, nangako ang mga medical frontliner na magpapatuloy pa rin sila sa pagsugpo sa COVID-19.

"Kahit mag-isa kami at nahiwalay sa pamilya, patuloy po kaming lumalaban para 'yung mga pasyente natin sila po ay makakauwi at patuloy na makakasama ang mga mahal nila sa buhay," sabi ni  Dr. Romina Ng, isa sa mga frontliner.
Share:

Tainan to implement mask wearing mandatory to all indoor spaces over increasing COVID-19 cases


Southern Taiwan's Tainan to re-impose mandatory mask-wearing policy in all indoor spaces as measure over the country's increased number of imported COVID-19 according to Tainan Mayor Huang Wei-cher.


Huang pointed out that Taiwan has reported more than 10 imported COVID-19 infections in the last few days and that the Tainan City Government believes it necessary to reintroduce the mask-wearing rule, Taiwan News reported.

The mandatory wearing of mask was made by Tainan officials after consulting with the Central Epidemic Command Center (CECC), which CECC head reminds the public in wearing mask again.

CECC head also said that Tainan in all of Taiwan has the lowest precentage of people who wear mask.

Huang said all individuals will be required to put on masks in indoor settings unless they are able to maintain a social distance, violators will be fined haevily.
Share:

Michael V hinihinalang sa package deliveries nakuha ang COVID-19


Mga package delivery ang hinihinalang dahilan ng komedyanteng si Michael V kung bakit siya nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), kwento niya sa kanyang vlog kamakailan.


Noong una, ayon kay Bitoy, ay inakala niya na nakuha niya ang sakit mula sa tatlong taong nakasalamuha nila sa Batangas ngunit napag-alaman niya na sa  isinagawang test, lumilitaw na negatibo ang mga ito sa virus.

Maging ang kaniyang asawa at mga anak ay hindi rin positibo sa sakit, nangangahulugan na hindi siya nahawa ng COVID-19 habang sila ay nasa Batangas.

Dito na napaisip si Bitoy na baka sa mga inihatid na package niya nakuha ang virus. Nag-disinfect naman daw sila bago buksan ang mga ito ngunit marahil dahil sa tuwa, nakaligtaan na nilang linisin ang mismong mga produkto.

“Sa sobrang atat ko malamang hindi ko na na-sanitize yung loob ng package. Yun lang ang nakikita kong paraan para makasingit yung virus sa loob ng katawan ko,” kwento ni Bitoy.

Sa huli ay pinaalalahanan ni Bitoy ang publiko na linisin muna ang mga bagay na ide-deliver sa kani-kanilang tahanan upang tiyak na makaiwas sa sakit.

“Kaya advice ko sa lahat ng mahilig magpa-deliver, please lang maniguro kayo,” aniya.
Share:

'Wala ng pera': Gobyerno hindi na kayang magbigay ulit ng ayuda para sa mga mahihirap


Ubos na ang pera ng Pilipinas at hindi na nito kakayanin pang magbigay ng tulong pinansiyal sa mga mahihirap na pamilya sa bansa, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, Linggo ng gabi.


Sa kaniyang nation address, sinabi ni Pres. Duterte na hindi na matutustusan ng gobyerno ang pagkain at ayuda para sa mga lubos na naapektuhan ng lockdown dulot ng COVID-19.

"I'm sorry Manila, ngayon magsabi kayo i-lockdown mo na ang Manila, ang ibang lugar, kahit Philippines, para talagang mahawa—wala ka nang mahawaan, wala ka nang mahawa...Problem is wala na tayong pera. I cannot give food anymore and money to people," sabi ng Pangulo.

Noon lang Hunyo 29, ay inanunsyo ng  Bureau of the Treasury (BTr) na umabot na sa P9.054 trillion ang utang ng gobyerno ngunit ayon sa ilang eksperto hindi dapat ito alalahanin dahil kaya itong bayaran ng bansa.

Kamakailan din ay sinabi ng Pangulo na may posibilidad na magbenta siya ng ilan sa mga ari-arian ng gobyerno upang magkapondo at makabili ng bakuna para sa COVID-19.
Share:

Health expert estimates 300 to 600 asymptomatic COVID-19 carriers inside Taiwan


One of the leading epidemiologist estimates that there are at least 300-600 potentially asymptomatic COVID-19 carriers in Taiwan, after a Japanese student, Thai worker and a Belgian national test positive of COVID-19.


Dr. Ho Mei-shang (Dr. Michelle Ho) of Academia Sinica's Institute of Biomedical Sciences made a post which estimated that there are likely 300 to 600 people in Taiwan.

The number of asymptomatic people was calculated based on the immigration office statistics of departing air passengers in June only.

"People would naturally come to think that the two cases might not be the exceptions and want to know how many asymptomatic carriers on the island could be spreading the virus in local communities," said Dr Ho.

The 300-600 asymptomatic people might be the start of community spread in the fall and winter or during the cold weather. In the coming winter season, it is the time that Taiwan's capability to control community transmission.
Share:

Health workers sa probinsya, tutulong sa mga frontliner na nasa NCR


Ipapadala na sa Metro Manila ang mga health worker mula sa iba't-ibang probinsya upang tulungan ang mga medical frontliner na pagod na sa pakikidigma sa COVID-19, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Lunes (Agosto 3).


“Kailangan natin gumawa ng substitution team para makapagpahinga ang mga kapatid natin na health workers sa NCR. Kausap po namin ang aming regional offices, at may darating na health workers [from other regions] dito sa NCR para tumulong,” saad ni Vergeire.


“Mag-aanunsiyo rin po kami ng programa para sa private sector health workers po natin,” dagdag pa niya.

Ayon din kay Vergeire, magkakaroon ng pulong sa pagitan ng Department of Health at mga grupo ng health workers para sa maaayos na deployment ng mga health personnel na tutulong sa pagsugpo ng pandemya.

Kagabi lamang (Agosto 2), ay inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang muling pagsasailalim ng National Capital Region, Bulacan, Laguna, Cavite, at Rizal sa modified enhanced community quarantine alinsunod sa panawagan ng mahigit 1,000 medical frontliner.
Share:

1 yr. old na bata patay matapos mahulog sa kanal


Patay na nang matagpuan ang isang taong gulang na bata matapos mahulog sa kanal sa Parañaque City, ayon sa ulat ng "24 Oras," Linggo (Agosto 2).


Kinilala ang bata bilang si John Angelo Bregino. Nahulog ito sa kanal bandang alas kwatro ng hapon noong Biyernes, (Hulyo 31).

Base sa ulat, naglalaba raw ang ina ni Bregino habang nasa trabaho naman ang kaniyang ama nang siya ay  mahulog.

Nagsagawa ng search operation ang awtoridad sa mismong araw ng insidente ngunit pagsapit ng alas dies ng gabi ay napagdesisyunan na itigil na muna ang paghahanap.

Kinabukasan ay ipinagpatuloy ng awtoridad ang operasyon. Nakarating ang mga ito hanggang Las Piñas at dito ay  natagpuan na ang bata na walang buhay.
Share:

Taiwan announce new imported COVID-19 case which came from the Philippines again


The Central Epidemic Command Center (CECC) announced one new confirmed imported case of coronavirus disease 2019 (COVID-19) in Taiwan. The case (Case #476) is an over 50-year-old female who resided in the Philippines for long time (the last time she departed from Taiwan was in January), Taiwan CDC reported.


The female case returned to Taiwan by herself on August 2. The case developed a fever on July 30, but she didn’t seek medical attention in the Philippines. She reported her symptom on the health declaration form when entering Taiwan. 

Furthermore, she was found to have a slightly elevated temperature (37.7°C), a productive cough, and muscle pains upon entry. 

After she had her specimen collected at the airport, the case was taken to a group quarantine facility. Infection with COVID-19 was laboratory-confirmed in the case on August 4.

The CECC reported that a cumulative total of 82,337 cases related to COVID-19 have been reported in Taiwan among which COVID-19 has been ruled out in 81,228. Of these reported cases, infection with COVID-19 was laboratory-confirmed in 476 cases. Of 476 confirmed cases in Taiwan, 384 are imported; 55 are indigenous; 36 are naval crew members aboard the Panshi fast combat support ship, and 1 case has yet to be clarified.
Share:

P9 trillion na utang ng Pilipinas hindi dapat ikabahala, ayon sa mga eksperto


Umabot na ng P9 trillion ang pagkakautang ng Pilipinas, ayon sa Bureau of the Treasury (Hulyo 29), ngunit sabi ng mga eksperto hindi ito isang problema na dapat ikabahala ng sambayanang Pilipino.


Sa isang artikulo sa ANC, ay ipinaliwanag nina  finance and economic analyst Raya Buensuceso, corporate finance manager Jan Michael Saniel, at Jerard Megg Cordero na direktor sa SyCip Gorres Velayo & Co., kung bakit hindi maituturing na problema ang utang ng bansa.

Ayon sa kanila, hindi raw dapat tinitingnan ang halaga ng inutang dahil ang mas importanteng suriin ay ang kakayahan ng bansa na makapagbayad sa itinakdang petsa ng hindi humihingi ng debt relief o restructuring.  

Kung tutuusin, maganda ang fiscal position ng gobyerno dahil na rin sa tax reform efforts ng kasalukuyang administrasyon, sabi ng tatlong eksperto. Dahil dito, ay nagkaroon daw ng oportunidad ang bansa na umutang ng mas marami kumpara sa mga nagdaang taon.

Bukod dito, isa pang rason kung bakit hindi raw dapat ikabahala ng marami ang pagkakautang ng bansa, ay ang patas na timing at repayment pattern, grace period, maturity period, interest rate at other fees na ibinigay sa Pilipinas ng mga inutangang bangko gaya ng World Bank at Asian Development Bank.

Dagdag pa nila, maganda naman ang kapupuntahan ng mga inutang na pera lalo na at para ito sa COVID-19 response ng bansa. Naniniwala sila na kayang-kayang bayaran ng Pilipinas ang mga utang nito kaya wala dapat ikabahala.

"At the level and with the terms that the government is borrowing, we seem to be in safe territory. At least for now, there is no real reason to panic, as all indicators suggest that we have the capacity to pay off our loans," sabi ng mga eksperto.
Share:

Face shield hindi dapat gawing alternatibo sa face mask: UP expert


Nagpaalala ang isang eksperto mula sa University of the Philippines (UP), na hindi dapat gawing pamalit ang faceshield sa face mask bilang proteksyon sa COVID-19.


Ayon kay Dr. Edsel Salvaña, totoong mababawasan ng paggamit ng face shield ang pagkalat ng virus, pero hindi ito nagbibigay ng garantisadong proteksyon gaya ng face mask.

Payo ni Salvana, mas mabuting magsuot din ng face mask kung gagamit ng face shield lalo na  kapag nasa pampublikong transportasyon o kung haharap sa ibang tao.

Kamakailan ay pinaalalahanan din ng World Health Organization (WHO) ang publiko na ugaliing magsuot ng mask at iba pang proteksyon gaya ng face shield o goggles sa tuwing lalabas ng bahay.

Ang mga isusuot naman na medical at non-medical face mask gaya ng fabric mask ay dapat na may tatlong layer upang maging epektibong proteksyon, ayon sa WHO.
Share:

Death penalty para sa mga kurap na politiko, isinusulong


Matapos sabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kongreso na ibalik ang death penalty sa bansa upang matigil ang kalakalan sa ilegal na droga, iminumungkahi rin ngayon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang parehong parusa para sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno.


Sa isang virtual briefing na iniere sa PTV-4, Lunes (Hulyo 27), sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica na nararapat lamang bitayin ang mga kurap na opisyal dahil sila ang dahilan kung bakit milyon-milyong Pilipino ang naghihirap.

“Corruption should be categorized as a heinous crime and should be penalized by death...Ang (gusto namin) noon, by hanging pero okay naman din ang  lethal injection,” sabi ni Belgica.

Samantala, wala pang tugon ang kongreso ukol sa pagpapatupad ng death penalty na dalawang beses ng napawalang bisa magbuhat noong magawa ang 1987 constitution sa bansa.

Una ng sinabi noon ng Malacañang na importante ang pagpapatupad ng capital punishment upang maging crime-free at drug-free ang Pilipinas.
Share:

Philippines logs 103,185 COVID-19 cases with 5,032 new infections; marks highest single-day record so far


The Department of Health (DOH) reported on Sunday (August 2), that 5,032 more COVID-19 infections have been recorded in the Philippines bringing the total number of cases to 103,185.


In its latest bulletin, the DOH said the number of people who recovered from the contagious disease was increased by 301 resulting to a total of 65,557. Meanwhile, country's COVID-19 death toll climbed to 2,059, with 20 new fatalities recorded.

Among the total number of cases, 35,569 were tagged as active, of which 90.2 percent exhibited mild symptoms, 8.2 percent were asymptomatic, 1 percent were in severe condition and 0.7 percent were critical.

President Rodrigo Duterte will meet his Cabinet members later Sunday after healthworkers urged government to revert virus epicenter Metro Manila to enhanced community quarantine for 2 weeks, Malacañang said.
Share:

20 milyong Pilipino bibigyan ng libreng COVID-19 vaccine ng gobyerno


Kayang tustusan ng Pilipinas ang  vaccination laban sa COVID-19 ng 20 milyong Pilipino, sabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa isang taped meeting na iniere noong Biyernes (Hulyo 31).


Ayon kay Dominguez, kayang maglaan ng gobyerno ng $400 million o P20 billion sa tulong ng Philippine International Trading Corp., Land Bank of the Philippines at ng Development Bank of the Philippines (DBP) para makabili ng bakuna para sa COVID-19.

“Forty million doses times $10 per dose is $400 million dollars or roughly P20 billion…We can execute it as soon as the Department of Health chooses which vaccines they want. Certainly by late this year, if it’s available, we can already buy,” sabi ni Dominguez.

“Forty million doses times $10 per dose is $400 million dollars or roughly P20 billion…We can execute it as soon as the Department of Health chooses which vaccines they want. Certainly by late this year, if it’s available, we can already buy,” dagda pa niya.

Kamakailan lamang ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na unang babakunahan ang mga low-income families na nakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno sa oras na magkaroon na ng COVID-19 vaccine.
Share:

Search This Blog

Popular Posts

Labels

Blog Archive