Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Batang iniiyakan ang 'Wowowin', niregaluhan ng P10k ni Kuya Wil


Binigyan ng P10,000 ni Willie Revillame ang cute na batang nakunan ng video habang umiiyak dahil hindi makapanood ng "Wowowin-Tutok To Win."


Sa naturang video, makikita ang bata na pilit na ipinapalipat ang channel ng kanilang telebisyon sa programa ni Kuya Wil.

Ang problema, Linggo nang araw na iyon at tuwing Lunes hanggang Sabado lamang ipinapalabas ang programa.

"Walang wowowin ngayon, Linggo. Bukas pa wowowin," paliwanag sa kaniya ng babaeng kumukuha sa video.

Umabot sa segment na "Search Quarant" ang video ng bata at dito na siya binigyan ng P10,000 ni Kuya Wil.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive