Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Dating Manila Mayor Alfredo Lim, pumanaw na dahil sa COVID-19


Namayapa na ang dating alkalde ng Maynila at senador na si Alfredo Lim sa edad na 90, ayon sa kaniyang chief of staff na si Ric de Guzman, Sabado (Agosot 8).


Samantala, wala ibang detalyeng ibinahagi si de Guzman ukol sa pagkamatay ni Lim.

Ngunit ayon sa isang unverified report, pumanaw si Lim bago mag-alas sais ng gabi.

Noong Biyernes ng gabi, kinumpirma ni Mayor Isko Moreno na nagpositibo sa COVID-19 ang dating Alkalde ngunit paglilinaw niya noong araw na iyon, hindi pa ito pumapanaw gaya ng ikinakalat na balita sa social media.

"Siya po ay kumpirmadong may COVID-19 pero mali po yung napabalitang siya po ay patay na...Mali po 'yun," sabi ni Moreno sa isang facebook post.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive