Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Empleyado ng DOH na drug pusher umano, arestado


Huli sa isang buy-bust operation nitong Huwebes, ang isang nurse sa Ilocos Norte dahil umano sa pagtutulak ng droga.


Kinilala ang suspek bilang si Mark Ewan Balingod, 28 taong gulang, na empleyado pa pala ng Department of Health na naka-assign sa Batac City Health Office.

Sa ikinasang operasyon ng pulisya, nakuha kay Balingod ang siyam na pakete ng hinihinalang shabu na di umano  nasa P39,000 ang halaga.

Samantala, tumangging magbigay ng pahayag ang suspek na matagal ng nasa drug wacthlist ng INPPO at high value individual (HVI) ng regional watchlist ng PRO1.

Haharap ito ngayon sa paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of  2002.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive