Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Mag-lola sa Saranggani, patay matapos masunog ang tinitirhang bahay


Hindi nakaligtas ng buhay ang isang mag-lola matapos magliyab sa apoy ang kanilang bahay sa bayan ng Alabel sa Saranggani.


Ayon sa Bureau of Fire Protection, natagpuan na lamang na patay ang 60-anyos na si Milagros AniƱon sa tinutulugang kama habang nakahandusay naman ang 12 taong gulang na si Jasper sa may pintuan palabas ng kanilang bahay.

Base sa kwento ng kanilang mga kapitbahay, madaling araw nang magising sila at nakitang nagliliyab na ang bahay ng mag-lola kaya hindi na nila ito nasaklolohan pa.

Dagdag pa nila, nakikikabit lamang ng kuryente ang mag-lola. Dahil dito, short circuit ang hinihinalang sanhi ng sunog.
Share:

2 comments:

  1. Hngang ngyon wala p nrecvd n txt para second tranche Roselyn N.Gozon -Las pinas

    ReplyDelete
  2. Sir/Maam ask ko lng kc hngang ngayon wala pa po nrecvd n txt para s second tranche?Roselyn N.Gozon/Las pinas 09460584613

    ReplyDelete

Popular Posts

Labels

Blog Archive