Travel. News. Migrants. Economy. Health

Michael V, bumubuti na ang lagay matapos tamaan ng COVID-19


Bumabalik na ang sigla at bumubuti na rin ang lagay ng komedyanteng si Michael V, na nagpositibo sa COVID-19 kamakailan.


Noong Sabado (Agosto 1) ay ikinwento niya sa "24 Oras" na halos wala na siyang nararamdamang sintomas ng sakit.

"'Yung pang-amoy ang nakakatawa, kasi may pang-amoy na ako...  hindi pa rin siya 100% pero at least," nakangiting sabi ni Bitoy.

"Nu'ng isang araw nagluluto ng hamburger 'yung kasambahay namin, naamoy ko from this room. Pero nu'ng isinserve na sa akin, nu'ng binigay na sa akin, hindi ko na maamoy from this distance. So magulo talaga," kwento pa niya.

Paalala ni Bitoy sa publiko, na huwag makampante dahil kahit sino ay maaaring dapuan ng COVID-19. Dagdag pa niya, kung sakaling mahawa ng sakit, dapat ay huwag maglugmok at manatiling matatag.

Kinukumpleto na lamang ng komedyante ang kaniyang 14-day quarantine bago bumalik sa normal niyang buhay. Aniya, handa siyang mag-donate ng kaniyang dugo upang makatulong sa mga kababayan at pati na rin sa siyensiya.
Share:

1 comment:

  1. Sana matext n aq ng dswd ng second tranche :(
    09283804277

    ReplyDelete

Search This Blog

Popular Posts

Labels

Blog Archive