Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pinay na laking Laguna, kauna-unahang Filipina Mayor sa UK


Itinalaga bilang bagong Mayor ng Hertsmere sa United Kingdom si Cynthia Barker, isang Pilipina na lumaki sa San Pablo, Laguna.


Si Barker ay 29 na taon ng naninirahan sa Hertsmere kung saan naging aktibo siya sa paglilingkod hindi lamang sa mga kapwa niya Pilipino kung hindi pati sa mga iba pang lahi nananalagi sa naturang lugar.

“While it is disappointing that we weren’t able to mark the moment in the usual way, I am still so proud and honored to take on this role,” sabi ni Barker.

Gaganao bilang Mayor ang Pinay hanggang sa susunod na taon. Sa kaniyang termino, plano niyang mag-ipon ng pondo para National Society for the Prevention of Cruelty to Children, ang nangungunang charity sa UK na nagbibigay proteksyon at suporta sa mga bata kontra kaharasan.

Noong 2017, ay hinirang din si Barker ng Filipina Women's Network bilang bilang isa sa 100 Most Influential Filipina Women of the World.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive