Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pres. Duterte kinilala bilang "most loving, concerned, caring" leaders ng bansa: survey


Nangunguna si Pangulong Rodrigo Duterte sa  mga lider na nagpapakita ng pagmamahal at pag-aalaga sa bansa, base sa Pahayag Sona survey na isinagawa noong Agosto 1 hanggang 11.


Sa naturang survey, itinanong sa mga kalahok kung sino sa listahan ng top five government officials ang nagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa bansa.

Kabilang sa listahan sina Pres. Duterte, Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo, Senate President Vicente “Tito” Sotto III, House Speaker Alan Peter Cayetano, at Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta.

Sa resulta ng pagsusuri, nanguna sa listahan si  Pres. Duterte, sumunod naman si Robredo, Sotto,  at Peralta.

Ang Pahayag Sona survey ay mayroong 1,500 respondents. Ito na ang ika-siyam na survey na naisagawa at nai-report magbuhat noong taong 2017.

Share:

1 comment:

  1. Joemichem.minoza.mandahay holy spirit quezon city. Sana po maibigay na ung ayuda gutom na pamilya ko po. June 6 pa po ako naka rihestro. Pero 1st 2nd wala pa po akng nakukuha. Hndi po ako tntxt o tinatawagan po. God bless po.09518755802

    ReplyDelete

Popular Posts

Labels

Blog Archive