Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

PWD na nasa tapat ng supermarket sinampal ng isang tricycle driver, mga netizens nagalit!


Sa isang viral video mula sa Brigada Cauayan, makikita ang isang person with disability (PWD) at isang tricycle driver na nagsisigawan sa tapat ng isang supermarket sa Cauayan, Isabela.


Hindi ganoon kaklaro kung ano ang pinagaawayan ng dalawa ngunit nakitang sinampal diumano ng driver ang PWD, hindi man ito naawa sa kalagayan ng PWD.

Ang pangyayaring ito ay lubos na ikinagalit ng mga netizens dahil nga sa hindi inintindi ng driver ang kalagayan ng PWD. Mabuti na lang at naawat ng gwardiya ang tricycle driver.

"Buti pa c mamang guard my mabuting kalooban god bless you kuya,at sa nanampal kaawaan ka sna ng.diyos dhl sa ginwa mo wala ka ng awa ,,my kapansanan na nga ung tao," ayon kay Va Ne Ssa.

"At dahil hindi ko naman alam ang totoong nangyari, base narin sa experience ko may mga bastos talaga na kapila jan na mga tricycle driver at mahilig maningil ng mahal at namimili din ng pasahero.. Ganyan sila jan sa pila mga siga," ayon naman kay Ruth.

"Grabe nmn lalaki walang kalaban laban sayo kinakaya kaya mo dapat sayo bigyan ng leksyon gaano kaman kagalit sa kanya dimo kaylangan manakit lalo pat ganyan kalagayan nang tao porke alam mong walang laban sayo ganyan gagawin dapat sayo Ma report at mabigyan ng leksyon," ani Joyce.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive