Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Quarantine violator sa Bulacan na nag-hamon sa mga pulis, arestado


Arestado ang isang quarantine violator sa Malolos, Bulacan matapos nitong hamunin ang mga pulis sa pamamagitan ng social ng media.


Sa isang social media post, sinabi ng isang lalaki sa mga pulis na hulihin siya ulit dahil nasa labas na naman daw siya ng kanilang bahay at nagtitinda ng barbeque.

Dahil dito, nauwi nga sa pag-aresto ang mga susunod na pangyayari. Ayon sa Malolos Police, dati ng nahuli ang suspek matapos lumabas ng bahay nang walang quarantine pass habang nasa modified enhanced community quarantine ang Bulacan.

Palusot naman ng lalaki, nagawa niya lamang lumabag sa quarantine protocol dahil kailangan niyang maghanap-buhay lalo pa at hindi naman siya umano nakatanggap ng ayuda sa gobyerno.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive