Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

10-anyos na bata, mag-isang binubuhay ang sarili sa pagtatanim ng gulay


 Isang batang sampung taong gulang ang kahanga-hangang na binubuhay mag-isa ang kanyang sarili sa ginta ng bukid matapos sumakabilang buhay ang kanyang mahal na lola at tatay.


Ayon sa China Press, kinilala ang bata na si Dang Van Khuyen, mula sa bansang Vietnam na nabubuhay mula sa kanyang mga panamin na gulay sa bukid.


Maliit pa lamang si Khuyen ay ulila na ito sa kanyang nanay at ang kanyang tatay naman ay nagtatrabaho sa malayong lugar kung kaya naman hindi niya ito kasama sa kanilang bahay.


Ang tanging kasamang namumuhay ni Khuyen sa kanilang  munting tahanan ay ang kanyang mahal na lola, namuhay ng simple habang ang tatay naman ni Khuyen ay minsang lang magpadala ng pera bilang suporta sa bata.


Sa kasamaang palad, Hindi na pa nag tagal ang kanyang lola sumalangit na at iniwan na siya dala narin ng katandaan.


Lumipas ang ilang araw ay isa pang malungkot na balita ang natanggap ni Khuyen dahil nadisgrasya ang kanyang ama sa kanyang trabaho dahilan din ng pagkawala nito.


Dahil dito ay walang ibang pagpipilian si Khuyen kundi tatagan ang kanyang loob pero sa kabila ng bigat ng kanyang dinaranas, hindi nagpatinag si Khuyen sa mga hamon sa kanyang buhay, bagkus ay mas lalo pa niyang nilakasan ang kanyang loob.


Sa kabila ng lahat, hindi parin pinapabayaan ni Khuyen ang kanyang pag-aaral at hindi ito umaabsent sa pagpasok sa paaralan at nagsimulang mag tanim ng nga gulay.


Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive