Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Misis na naka-wheelchair, 3 oras kung itulak ni Mister papuntang dialysis center


 Dahil sa kakapusan sa pera,  matiyaga na lamang itinutulak ng isang mister ang kaniyang asawang naka-wheelchair gamit ang bisikleta maihatid lamang niya ito sa dialysis center ng dalawang beses sa isang linggo.


Ayon kay Manolito Palacio, 48-anyos, alas singko pa lamang ng umaga ay lumalarga na sila ng asawang niyang si Marilou, 46-anyos, na may stage 5 chronic kidney disease at komplikasyon sa puso.


Mula Bagong Silang, Caloocan City, 12 kilometro ang kinakailangan tahakin ng mag-asawa makarating lamang sa dialysis center Fairview, Quezen City kung saan sumasailalim ng gamutan si Marilou.


Sinubukan na raw lumapit ni Manolito sa kanilang baranggay upang matulungan sila transportasyon ngunit sa kasamaang palad iisa lamang ang ambulansiya ng kanilang lugar na inirereserba pa para sa emergency.


May isang pribadong kompaniya naman ang nais magpahatid ng tulong sa mag-asawa ngunit tinanggihan ito mismo nila Manolito dahil ayaw daw nilang magdulot ng abala.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive