Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Misis, patay matapos saksakin ng mister dahil sa selos


 Nasawi ang isang babae matapos siyang pagsasaksakin ng kaniyang asawa dahil umano sa selos o love triangle sa Zamboanga del Sur noong Miyerkules.


Kinilala ang biktima na si Elma Remitar, na natagpuang may dalawang saksak sa dibdib sa sariling anak sa loob ng kanilang bahay sa Mahayag at kinilala naman ang suspek na si Eduardo Remitar, mister ng biktima.


"Ang suspek sir, posibleng nakainom dahil nag-attend siya ng isang party," sabi ni Police Staff Sergeant Gomer Albatera ng Mahayag Police.


Ayon sa kangang anak, inamin ng ama na ito ang gumawa ng karumaldumal na krimen at humingi ng tawad, tumakas ang kanyang ama matapos ang krimen pero nahuli din.


"Humihingi ako sa kaniya ng pera pambayad sa palayan. Ayaw niyang magbigay. Eh iyong ATM ko nasa kaniya," sabi ni Remitar.


Lumabas din sa imbestigasyon na love triangle o selos ang pinag-ugatan ng pananaksak dahil ayon sa suspek, may ibang karelasyon ang biktima.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive