Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Natagpuang patay ang isang 7-taong gulang na bata na namasko lang

 


Nakakaawa ang sinapit ng isang pitong-taong-gulang na batang babae na si “Lang Lang” sa Carmona, Cavite na patay na nang makita. Natagpuang  walang saplot at may saksak sa batok at gulugod ang bata na sanhi ng pagkamatay nila.


Isang lalaki naman ang inaresto pero mariin na itinanggi nito na siya ang nasa likod ng karumal-dumal na krimen. Ikinuwento ng nanay ni Lang Lang na namasko lang ang kaniyang anak noong Disyembre 26 pero hindi na ito nakauwi, aton sa report ng GMA News.

 

"Tuwang-tuwa po ako kasi malaki 'yung napamaskuhan nila. Kasi sabi niya sa akin 'Ma bilhan mo naman ako ng tsinelas tsaka damit,'" ayon sa ina ng biktima.

 

"Kahit umuulan po, basang basa po kami ng ulan, para mahanap lang po 'yung anak namin, hindi po talaga siya makita. Hanggang sa hinanap po namin kung saan-saang computer-an po, wala talaga," saad ng in ana humingi na ng tulong sa pulisya.

 

Pagsapit ng pasado 1 a.m. ng Disyembre 27, natagpuan si Lang Lang na wala nang buhay sa isang masukal na lugar sa Barangay Lantic sa Carmona. Nakita ng isang testigo na isang lalaki na si “dela Cruz” ang kasama ng bata sa lugar kung saan nakita ang bangkay nito.

 

"Wala pong [katotohanan] 'yan, pawang kasinungalingan lang. Grabe po sisirain nila buhay ko. Ako po ay masasabi ko po, ako ay inosenteng tao. Sinasabi ko po ang pawang katotohanan," sabi ni dela Cruz.

Share:

1 comment:

  1. Ipa medico legal or autopy ang bata para malaman kung knano sperm ang humalay sabtaong nagturo sa salarin o sa salarin tumatanggi tapos pag nahuli ibibitin patiwarik at turukan ang puwet ng 2x2 or bote manyak criminal hayup kagigil kayo mga demonyo kayo pati mga bata wala kayo patawad dapat sa inyo bitayin

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog archive