Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Patay ang isang Pinoy migrant worker matapos maaksidente habang nakamotorsiklo sa Taichung

Patay ang isang Pinoy migrant worker sa Taiwan, edad 38 years old, matapos itong maaksidente habang naka motorsiklo. Injury sa ulo ang sanhi ng pagkamatay nito.


Naaksidente ito sa downshill section na kalsada sa Nantun District sa Taichung City. Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, maaaring hindi nito napansin ang sidewalk curb kung saan ito tumama na sanhi ng aksidente.


Nangyari ito sa ganap na 11:00 ng gabi (Dec 12). Wala ng buhay ang Pinoy ng dumating ang mga pulis at ambulansya. 


Dagdag ng mga pulis, hindi naman ito nakainom at maaring nawalan lang ito sa focus o hindi tumingin sa mga road signs sa kanyang pagmamaneho ng motorsiklo.


Iaalam pa ngayon ang detalyadong report na titingnan sa CCTV sa lugar. Wala naman naiulat na ibang nasaktan sa insidente, ulat mula sa UDN.

 

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive