Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Raffy Tulfo nagbigay babala kapag dinismiss ang kaso ni Jonel Nuezca


 Sinisigurado ni Idol Raffy Tulfo na makakamit ng mag-ina na si Aling Sonya at Frank ang hustisya matapos silang walang awang barilin ng isang pulis na si Jonel Nuezca.


Nakarating na rin kay Raffy Tulfo na patong-patong na kaso na ang isinampa sa pulis na si Jonel Nuezca ngunit karamihan dito ay na-dismiss dahil di umano sa kakulangan ng ebidensya.


Babala ni Raffy Tulfo na "'Pag dinismiss niyo po itong kaso, magkakagulo ang Pilipinas. I'm telling you!"  


"I'm giving you a warning, ang buong Pilipinas magkakagulo, kasi po dun sa dalawa na pumatay siya ng tao na-dismiss po di po ba? Tuloy tuloy parin ang pagsisilbi niya sa korte" dagdag pa ni Tulfo


Ngayong may mabigat na ebidensyang hawak ang pamilya ng mga biktima, sisiguraduhin ni Tulfo na tutulong sila na makamit ang hustisya.


Share:

1 comment:

  1. Sobrang kaalipustaan na yan sa batas pag nadismiss ang kaso ng pulis na yan!!!

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog archive