Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Suspek na nanggahasa sa massage therapist, nahuli na ng pulisya


 Naaresto na nito lamang Sabado ng madaling araw (Disyembre 5) ang suspek na nagtago matapos gahasain at pagnakawan ang isang massage therapist na binook nito online.


Kinilala ng Quezon City Police District ang suspek bilang si Marianito Sta. Maria, 27-anyos.


Base sa ulat ng QCPD, nagpanggap na customer ang suspek nang mag-book ito ng masahista sa isang apartelle sa Cubao, Quezon City.


Sa halip nag magbayad para serbisyong natanggap, tinutukan ni Sta. Maria ang biktima ng kutsilyo at saka ginahasa. Tinangay din nito ang cellphone at pera ng masahista.


Nahaharap ngayon sa kasong robbery with rape ang suspek. Napag-alaman ng awtoridad na maraming masahista rin pala itong nabiktima.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive