Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Tatay na ice cream vendor na may deperensya sa paglalakad patuloy na kumakayod

Isang netizen mula sa Cebu City ang nakakita sa isang ice cream vendor na nagtitinda sa sidewalk na naghihintay sa kanyang mga customers noong pasko.


“Pumunta kami ng asawa ko sa palengke namin dito sa Pardo Public Market, Cebu City. Nakita ko si tatay, ‘di ko pa alam name niya, pinicturan ko dahil nakatulog sa kanyang pagtitinda,” ayon kay Carlos Pajo sa isang panayan sa kanya ng The Philippine STAR.


Naisipan daw ni Carlos na i-post ang mga larawan ng ice cream vendor para man lang makatulong ako sa kapwa tao para kahit paano ay mapansin nila.


Ayon sa mga nakakakilala kay tatay na oce cream vendor, may deperensya na si tatay sa paglalakad kaya tabingi na kung maglakad.


Sabi din nila ay mabait daw si tatay at namimigay ng mga ice drop sa mga bata ‘pag hindi nauubos.


Mas pinili pa rin ni tatay na magtinda at mabuhay ng marangal kahit may deperensya na ito sa kanyang katawan. 


Larawa mula kay Carlos Pajo.

 

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive