Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Xander Ford, Inaresto matapos kasuhan ng kanyang ex-girlfriend


 Marlou Arizala aka Xander Ford inaresto ng MPD Station 2 matapos kasuhan ng kanyang ex-girlfriend ng RA 2962 o Violence Against Women and their Children.


Kinumpirma ito sa Facebook live ng kaniyang talent management na Star Image Artist Management nitong Martes ng gabi.


Paglilinaw ng kaniyang management, tutulungan nila si Xander kahit pa umalis ito sa kanilang poder at hindi nakikipag-ugnayan sa kanila.


Pero sa sandaling lumitaw sa paglilitis na korte na nagkasala ang kanilang artista ay dapat daw nitong panagutan ang anumang desisyon.


"Sana mapatawad mo ko. Sana maawa ka sakin kasi magpapasko, tapos ganito mangyayari sa pamilya ko. Wala naman akong ginawang masama sayo," Sinabi ni Xander para sa ex-girlfriend niya.


"Parehas po kaming nasaktan sa mga nangyari po saming dalawa. Pero di ko po talaga siya na-pisikal po. Mahal ko po 'yon" Depensa ni Xander.

Aalamin ng management ni Xander kung maaari siyang makapagpiyansa para makalaya habang dinidinig ang kaso.

Nakiusap din sila sa publiko na huwag kaagad husgahan si Xander at hintayin na umusad ang pagdinig sa kaso.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive