Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Bata, naputukan ang kamay nang isaksak ang extension sa outlet


Nangingitim ang kamay ng isang pitong taong gulang na batang babae matapos nitong isaksak ang plug ng kanilang extension sa isang outlet sa kanilang bahay.


Ayon sa inang si Athena Quintana Comboy, dalawang linggo na ang nakararaan nang aksidenteng maputukan ang kamay ng kaniyang anak dahil lamang sa plug in nito ng extension sa isang outlet.


 "2 weeks ago, pumutok ang extension wire sa kamay niya the moment na sinaksak niya sa outlet," kwento ni Comboy sa kaniyang Facebook post.


Dahil dito, aniya, naging malala ang nangyari sa kamay ng kaniyang anak gayunpaman nagpapasalamat siya na hindi ito direktang nakuryente.


Kamakailan lamang ay naiulat na isang bata ang nakuryente at namatay matapos magsuksok ng metal na kutsara sa extension outlet. Nawa ay maging paalala ito sa lahat ng mga magulang na bantayan ng maigi ang kanilang mga anak.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive