Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

P10,000 na panibagong ayuda kada pamilya, sinusulong sa kongreso ni Cayetano

Umapela si former Speaker Alan Peter Cayetano kay House Speaker Lord Allan Velasco na isama ang kanilang isinusulong na programa na magbibigay ng karagdagang cash aid sa mga pamilya na lubos na naapektuhan ng pandemya.


"Kami'y nakikiusap sa Kongreso na bago natin pagusapan 'yung Cha-cha, bago natin i-rush 'yan, divisive 'yan, maganda man ang ibang ideas, ang kailangan ng tao talaga 'yung dagdag na pera sa kanilang bulsa," ayon kay Cayetano.


Ang Bangon Pamilyang Pilipino (BPP) Assistance Program na magbibigay ng P1,500 bawat miyembro ng pamilya o P10,000 sa bawat pamilya alinman ang mas malaki.


"Sana po regardless kung sino nagpropose, bigyan ng equal pagpapahalaga ng bagong leadership. Tanda niyo po noong time namin, wala kaming pakialam kung sino ang nag-propose, oposisyon o administrasyon, minority o majority, basta't maganda ang proposal, we give it to the COVID committee and niraratsada namin 'yan," dagdag ni Cayetano.


"Sana nga we will have the support din despite the fact na kami ang nag-propose nito. Kung gusto nilang burahin pangalannamin, lagay pangalan nila para lang mapabilis 'yung proposal noon, papayag naman kami."


Sinabi ni Cayetano, na kailangang kailangan ang financial assistance para mapalakas ang consumption sa gitna ng price hike.

 

Share:

3 comments:

  1. 1st at 2nd treanch wala kinuha pa copy ko ng sap form after 3rd tranch. i recieaved 8k. only.. in a whole year of pandemic. now this one... again maybe hopeless

    ReplyDelete
  2. 1st at 2nd treanch wala kinuha pa copy ko ng sap form after 3rd tranch. i recieaved 8k. only.. in a whole year of pandemic. now this one... again maybe hopeless

    ReplyDelete
  3. sir sana kami mabigyan hindi kmi kasama sa binigyan ng ayuda khit isa wala .nilista pero hindi kami nabigyan ng ayuda 09279693324 sana po mabigyan kmi kung sa mahirap mahirap kmi vendors sari sari ztore aming hanap buhay mag asawa walang sariling tirahan at may mga anak n nangangailangan ng pagkain hangganggang ngayon wala kming trabaho mag asawa lockdown lockdown din ang aming tindahan tulungan nyo po kmi makasama muli sa ayuda

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog archive