Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Duterte, iniutos na arestuhin ang mga kapitan na hindi mapipigilan ang mass gathering

 


Iniutos ni President Rodrigo Duterte hulihin ang mga barangay captain na hindi kayang pigilan ang mga mass gathering tulad ng parties, picnics at iba pa.


"Kapag may isa pa, beginning tonight, ang unang hulihin ang barangay captain." 


Ito ang utos ni Pangulong Duterte kasunod ng sunod-sunod umanong report tungkol sa mass gatherings tulad ng picnic at mga party. 


Dagdag pa niya, puwedeng gumamit ng reasonable force ang mga pulis at ipagtatanggol niya ang mga ito.


"Pakulong ko kayo, I will look for a suitable law because you are forcing my hand. Ayaw ninyo, pasaway, e. 'Yan ang problema ko sa Filipino," sabi ni Duterte.


Matapos ito ng report ni Interior Secretary Eduardo Año na dumarami ang mga mass gatherings na lalong nagpataas ng COVID-19 cases sa bansa.

Share:

1 comment:

Popular Posts

Blog Archive