Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pulis na adik sa online sabong, nangholdap ng remittance center sa Bulacan

 

Arestado ang isang pulis QC na nalulong sa online sabong matapos mangholdap ng isang branch ng remittance center sa bayan ng San Miguel, Bulacan.


Kaagad na nagsagawa ng manhunt operation ang mga pulis sa Bulacan hanggang sa matunton ang salarin.


Ang suspek ay nakilala bilang si PCpl Moises Yango, 29, na nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) at residente ng Camp Karingal, Sikatuna Village, Quezon City.


Tinambangan ng mga pulis sa kabayanan ng San ildefonso ang suspek na tiyempong pumarada naman ito sa isa pang branch na kanyang hinoldap kaya siya tuluyang naaresto ng pulisya.


Ayon sa suspek, nalulong lamang siya sa online sabong kaya nagawa ang krimen. Ang hinala ng mga awtoridad ang pulis din ang posibleng nasa likod ng panghoholdap sa isang remittance center sa Nueva Ecija.


Samantala, nangako ang bagong luklok na si PNP chief General Guillermo Eleazar na masisibak sa pwesto si Yango at sasampahan ng kaso.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive