Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

OFW sa UAE, nanalo ng PHP136-milyon sa lottery


Isang overseas Filipino worker (OFW) sa United Arab Emirates (UAE) ang naka jackpot sa isang lotto at nanalo ng tumataginting AED10-milyon o may katumbas na halos P136-milyon.

Nanalo si Paterio 52 anyos, sa weekly lottery sa UAE na Mahzooz. Isang materials contract supervisor sa Fujairah si Paterio.

Sa pagkapanalo niya, plano na rin niyang umuwi for good at makapagpatayo ng sarili nilang bahay.

“This amount will allow my family and I to pursue any and every dream we have. I wouldn’t have been able to save such a huge amount even if I had worked for a hundred years,” sabi ng OFW.

Ama siya sa dalawang anak na lalaki - 23 at 18 taong gulang - matagal na niyang nais na magbigay ng father's care para sa kanyang nakababatang anak na lalaki na may sakit na cerebral palsy.

“A family house has been my wife’s greatest dream for years, and now it’s time to finally grant her that wish,”  ayon sa OFW.

Ginamit lamang ang pangalan na Paterio para sa security purposes.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive