Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Ama, nag-barter ng mga manok kapalit ng android phone para sa online class ng anak


Pag-barter ang naisip ng paraan ng isang ama mula sa Naga City upang magkaroon ng cellphone na gagamitin ang kaniyang anak para sa nalalapit nitong online class.


Sa isang barter page sa facebook ay ipinost ni Ronnel Enriquez ang kaniyang mga alagang manok na nais niyang ipampalit sa isang android phone.

"For barter po: Take all RFB:  Need po ng anak android phone for online class kahit po second hand. Pickup lang po at zone 3 Carolina, Naga City wala po kasi pamasahe for meet up," sabi ni Ronnel sa kaniyang post.

Marami ang nakakita sa post ng butihing ama kung kaya bumuhos ang limpak-limpak na mensahe sa kaniya na nais magpa-abot ng tulong. Lubos naman ang kaniyang pasasalamat sa lahat ng nag-magandang loob.

“Time to say thank you so much po sa mga nagbigay ng tulong, nag-like, react, comment, and nag-share sa post ko. Hinding-hindi po namin makakalimutan ito. 
Makakaasa po kayo na hindi namin sasayangin ang oportunidad/tulong na naibigay niyo,” sabi ni Ronnel sa isang post.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive