Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Daniel Padilla, tinulungan ang tricycle driver na nakabangga sa kaniyang sports car


Sa halip na umusok sa galit,  tinulungan pa ng aktor na si Daniel Padilla ang tricycle driver na nakabangga sa minamanehong niyang sports car sa kanto ng Dahlia at Regalado Avenue, Fairview, Quezon City noong Miyerkules ng hapon.


Ayon sa isang saksi at nagbahagi ng pangyayari sa social media na si Reynaldo Duron, sa hindi tukoy na dahilan ay biglang nag-break si Daniel at maya-maya lang ay bumangga na sa kaniyang Ford Mustang "Eleanor" ang isang tricycle.

Sunod na bumaba ang 25-year-old actor sa kaniyang sasakyan at kinausap ang tricycle driver.  Kwento ni Reynaldo, dito na inabutan ni Daniel ang taong nakabangga ng isang libong piso.

"Bumaba siya, hindi naman siya nagalit, pero siyempre may halong emosyon...Nagulat siya siguro, pero nag-usap po sila nang maayos ng tricycle driver, saka nakipag-cooperate silang dalawa," sabi ni Reynaldo.

Dahil sa namuong komosyon bunsod insidente, hindi na napigilang magkumpulan ng mga tao ngunit ayon sa saksi ay pinalayo ni Daniel ang mga ito upang mapanatili ang social distancing.

Base sa perspektibo ni Reynaldo, ang tricycle driver ang may kasalanan sa nangyarinv aksidente lalo pa at ito ang nasa likod ng kotse ni Daniel.
Share:

2 comments:

  1. Me wla p ntangap first n second sap

    ReplyDelete
  2. Hirap tlga bzta gustong sumikat lahat gagawin
    Pra makuha lang ito.. Nakakatawa tlga bansa natin hay nko

    ReplyDelete

Popular Posts

Labels

Blog Archive