Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Lalaking may kapansanan, todo kayod pa rin mabuhay lang araw-araw


Sa kabila ng kapansanan, patuloy pa rin sa paghahanap-buhay ang isang lalaki na may kapansanan para lamang makausad sa araw-araw nitong pangangailangan.


Matyigang naglalako ng alcohol si Kuya Darwin ng alcohol at face shield malapit sa police station kahit pa delikado ang lumabas mula sa kaniya-kaniyang tirahan dahil sa pandemya.

Paghihikayat ni Jocelyn Hidalgo na siyang nagbahagi ng kwento at supplier ni Kuya Darwin, may kamahalan ang paninda ng lalaki ngunit hindi naman nito matutumbasan ang pagod na inilalaan nito sa pagtitinda.

"Hello guys. My friends from maguyam lalo na ung mga nagwowork jan. Baka po makita nyo si kuya darwin malapit jan sa may taifini sa may police station. Pakiusap po sa kanya na kayo bumili ng face shield.. Reseller ko po siya.70 pesos bentahan niya.. Medyo pricy. Pero isipin nyo na lang po tulong nyo sa kanya. Nakakaproud po iyan siya. Masipag po sa kabila ng kalagayan at pandemic," sabi ni Jocelyn sa kaniyang facebook post.

Marami naman ang humanga sa kwento ni Kuya Darwin. Anila, isa itong inspirasyon sa lahat upang mas lalong pang magsumikap sa buhay.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive