Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Lola, labis ang hinagpis sa pagkawala ng asawang nagpositibo sa COVID-19


Labis ang hinagpis ni Lola Jaena matapos mamayapa ng kaniyang asawa dahil sa COVID-19.


Kapwa nagpositibo si Lola Jaena at ang kaniyang asawa na si Lolo Jose sa COVID-19, ngunit kasamaang palad hindi na kinaya ni Lolo Jose ang sakit at tuluyan ng binawian ng buhay.

Dahil sa lungkot at pangungulila sa asawa, naisipan pa ni Lola Jaena na tumalon na lamang sa bintana sa pag-asawa makasama ang asawa sa kabilang buhay.

"Lagi niya sinasabi sa akin, 'Mamatay ako sa'yo lang. Mamatay ako sa'yo lang'... Kung mabubuhay kami ulit, siya pa rin ang hahanapin ko," sabi ni Lola Jaena.

Kalaunan ay natanggap din ng matanda ang pagkawala ng asawa. Sumailalim sa cremation ang katawan ni Lolo Jose sa mismong araw ng kaniyang pagkamatay at araw na napag-alaman ng kaniyang mga kaanak na siya ay positibo sa virus.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive