Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Nurse frontliner patay sa hit-and-run; suspek pinaghahanapan pa rin


Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang nurse at frontliner na si Renz Perez matapos mabundol ng itim na pick-up sa isang kalye ng Padre Burgos, Maynila noong Linggo ng gabi.


Base sa ulat, nagbibisikleta si Perez nang mangyari ang insidente. Sa lakas ng pagkakasalpok sa kaniya, nagpagulong-gulong ito at natanggalan ng damit pang-itaas.

Ilang minuto lamang matapos ang pagkakabangga ni Perez ay dinala na ito agad sa ospital ngunit sa kasamaang palad ay binawian pa rin ito ng buhay.

Ayon sa isang witness, mabilis na nakatakas ang salarin papunta ng pier.

Panawagan ni Ricardo Perez, ama ng biktima, nawa ay magpakilala ang iba pang nakasaksi sa aksidente upang mas mapabilis ang paghahanap sa suspek.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, marahil ay hindi napansin ng driver ng pick-up si Perez dahil walang bike lane sa pinangyarihan ng aksidente
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive