Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pekeng N95 mask na may halagang P80M, nakumpiska ng customs sa Bulacan


Kumpiskado ang 648 box ng N95 matapos i-raid ng Bureau of Customs (BOC), ang isang warehouse sa Barangay Sta. Rosa sa Marilao, Bulacan.


Tinatayang P80 million ang halaga ng mga nakuhang mask na may kaparehong disensyo at logo sa mga sikat na luxury fashion brands.

Kasama ng mga operatiba ng BOC ang Enforcement and Security Services Quick Reaction Team,  Customs Intelligence and Investigation Service, at Philippine Drug Enforcement Agency sa pagsalakay sa naturang warehouse.

Sa isang pahayag na inilabas ng BOC noong Huwebes (Agosto 7), bukod  sa N95 mask, tumambad rin sa kanilang grupo ang 1,000 kaha ng mga nakaw na sigarilyo gaya ng Marlboro premium cigarettes.

Ang mga nakumpiskang produkto ay ipinadala na sa ESS Security Coral na nasa Port ng Manila para sa isasagawang inventory at imbestigasyon.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog archive