Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Wedding photoshoot sa Beirut, Lebanon naging bangungot matapos ang pagsabog


Naantala ang wedding photoshoot sa Beirut, Lebanon matapos maganap ang malakas na pagsabog sa siyudad, Martes.


Sa video ni Mahmoud Nakib, makikitang nakangiti ang bride habang nagpo-pose sa harap ng camera ng bigla itong gulatin ng isang nakabibinging pagsabog.

Sa tindi ng trahedya, nawasiwas ang  bulaklak, belo, at maging ang suot na damit ng bride. Maririnig din sa video, ang mga nagbabasagang salamin dulot ng pagsabog.

Base sa tala, aabot sa 100 katao ang namatay at 4,000 namataan pagkatapos ng insidente.

Ayon kay Lebanon Prime Minister Minister Hasan Diab, sisiguraduhin niyang magbabayad ang mga dapat na managot sa likod ng mapaminsalang pagsabog.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive