Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

OFW factory worker pinatay, tinangalan ng mata at lamang loob pagkatapos gahasain sa Saudi Arabia


Tinangalan ng mata at lamang loob, ganyan ang sinapit ng isang Overseas Filipino Worker na si Lemuel Lansangan ng inuwi sa pilipinas mula Saudi Arabia. Hustisya ang panawagan ng pamilya nito.

Lungkot at pangungulila ang ramdam ng kanilang pamilya  dahil sa sinapit ng kanilang bunsong kapatid na nagtatrabaho bilang isang Factory worker sa Saudi Arabia. 

Hindi pa rin nakikilala ang pumatay, ang masaklap ay tinangalan pa ng mga mata at lamang loob, puno ng mga pasa si Lansangan palatandaan na pinahirapan pa ito bago pinatay. 

"Nung binuksan namin ang kabaong niya para siyang mummy na nakakatakot and itsura kase napakadami niyang pasa sa katawan." ayon sa kama.

Nanawagan ang kaanak ni Lansangan kay pangulong Rodrigo Duterte na tulungan sila na makamit ang hustisya. 



Nakikipagugnayan na ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)  sa Department  of Foreign Affairs (DFA) para sa kakukulang imbestigasyon at matukoy na ang salarin.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive