Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Delivery boy, patay matapos barilin ng sundalo sa Davao City


 Natagpuan patay ang isang delivery boy sa Davao City, nito lamang linggo ng hapon (Hulyo 19), matapos umano siyang barilin ng isang sundalo na ama ng taong kaniyang na-bully o inapi.


Tatlong tama ng bala sa ulo ang tinamo ng biktima na si Ronnel Mabandos, 37 anyos, na agad ding nasawi matapos ang insidente.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, nag-aapoy sa galit ang suspek, isang staff sergeant, sa biktima nang kutyain nito ang kaniyang anak.

"Nagalit ang tatay. hindi niya napigilan, binaril niya ang biktima," ayon kay Maj. Estrello Ramiso, commander ng Buhangin Police Station sa Davao City.

Noon pa man ay sinasabi ng may alitan na ang biktima at suspek dahil muntik nang mabunggo ng delivery boy ang anak ng  sundalo.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive